pano nyo nalalaman kung ano yung time sig ng isang kanta?
weird ako e. di ko rin alam kung pano ginagawa nung iba. pero binabase ko sa guitars at bass para makuha yung time signature. hinahanap ko yung common na bagsakan, kung quarters, 8ths or 16ths. tapos papakinggan ko yung repeating chord progression tapos bilang na.
so kung narinig ko na 8th notes yung tipa nung guitars tapos nabiling ko na 7x sya magtipa per chord e di 7/8
minsan naman obvious sa drums lalo kung gamit nya yung hihat or ride to keep time. dun pa lang malalaman mo agad kung quarters, 8ths o 16ths ang beat. tapos bilang ka na lang dun sa bass at snare hanggang sa may mareach ka na odd part or syncopated feel tapos biglang uulit.
medyo tricky sa simula ang pag figure out lalo na kung di mo alam ang quarters, 8ths at 16ths. aral ka muna magbasa ng notes and take time to practice it para mas mabilis mong marecognize yung time signatures
isa pang paraan to practice figuring out time sigs, pakinggan mo yung sample songs na binigay ni drumster tapos bilangin mo. tingnan mo kung akma yung nabilang mo sa indicated time sigs