Tinanong ko kay bro, 15k yung sa clutch tapos 10k yung para sa 20,000kms pms nya pala.. so 25k.hahaha
Di ko na nausisa kung ano ano yung mga pinalitan kasi napagusapan lang namin while having lunch before ako umalis ng pinas, 3 parts daw eh. tapos inuwi nya yung parts na pinapalitan, sabi ko check ko yung inuwi nya pagkauwi ko ng pinas next month.
Kahit yung byenan kong jeepney driver di makapaniwala na nagbayad sya ng 15k para dun sa clutch. And at 20k kms pa lang eh nagslide na yung clutch? may nakausap ako na baka ang kelangan ay adjustment lang at hindi kelangan palitan yung mga components... in short.. ginulangan si bro nung mechanics dun sa casa...
20k kms pretty low. Once nabalian ako ng clutch cable at 45K kms, kala ko dati whole assemply na yung papalitan dahil sobrang bigat na ibaon ng clutch(that was going for 6 months), i was thinking baka kasi clucth driver din ako nung first year of driving ko.
Turns out na dry na yung clutch cable and kinakalawang na yung loob mismo ng cable. Sabi sakin yung mama sa ibang talyer even for 50K mababa pa para palitan yung buong assembly.
Yung quotation sa unang talyer for parts and labor is 11,700 tapos gusto nilang gawing hydraulic type for additional 10K para mas malambot daw tapak. In my case mas mababa pa yung presyo ng parts sa casa nung nag inquire ako. So pinapalitan ko nalang muna yung cable that i bought from casa which is also cheaper compared to the talyer price, then it all work well, para akong tumatapak sa unan, paid the mechanic for installing the new cable, get out there and swore the place and people there.