Rant.
Langya tumawag ako sa *1888 kanina lang. Kasi yung tropa ko nagpakabit ng SmartBro Plan 999. So pumapalo yung speed nya ng mga 384+ kbps. Yung sa akin naman Plan 788 yata yun and ang inaabot ko na lang nga yon ay nasa 128kbps.
Ngayon ang siste, pagtawag ko sa *1888, tinanong ko kung ano process ng pagpapa-upgrade ng Plan 999. Ang sinagot ba naman sa akin ay
"wala namang magbabago sa speed so hindi advisable na mag upgrade ng plan." So nagtaka ako. Sabi ko
"bakit ganun? Ibig nyo sabihin magpapaupgrade ako para lang tumaas ang bill ko pero wala akong makukuhang speed difference? Ang sabi sa akin ganun daw kasi kaya 788 yung binabayaran ko dahil
una-una akong nag avail ng service nila, and ganun ang price dati. Now yung mga bagong nagpapakabit 999 ang binabayaran.
Ang labo, kasi yung speed ng sa tropa ko di hamak na mas mabilis kesa sa akin. Kaya parang hindi ako maconvince na hindi tutulin connection ko kahit mag upgrade ako ng Plan 999 from 788. Kung sino man nakaka-alam about SmartBro (sir Jim Ayson yata) pakilinaw naman sana. Totoo bang pag nag upgrade ako sa Plan 999 tataas lang ang bill ko pero hindi bibilis ang connection ko?
Hnlabo eh!