Hi po mga kuya!
(isa pang newbie dito sa forums)
newbie po here... i just got my very first extremely hard earned, este saved(estudyante po ako), electric guitar about a month ago...
nice to meet you all po..
uhm... di ko po cgurado kung dito ako dapat nagpopost ng questions pero
kabibili ko lang po nang gitara ko sa RJ moa... (opo... na engganyo ako sa sale nila nung september*)
at hindi pa nakakalipas ang isang linggo po, e nagswimming na po xa sa baha dahil kay ondoy... sa kabutihang palad... sa gulo sa loob ng bahay ng mga naglutang na gamit, e nakita ko xa at nai-ahon ko sa aming floating table.
pagkalipas po ng 3 araw, pagkabalik namin sa bahay, ang magaling kong kapatid, e nilagyan ng langis ung pickup ng gitara ko dahil daw baka kalawangin
... di ko alam gagawin ko kaya binilad ko nalang at pinunasan ung mga langis langis sa gitara...
tanong: anu po dapat ko gawin sa gitara ko?... maayos pa ba to?... may magagamit pa ba na parts dito?...
mag 3 linggo na xang di nagagalaw sa kwarto...