Ako naman, paibaiba kase ako ng stick na gamit. Minsan yung 7a after ilang minutes 5b, kaya wala pa akong nasisira na stick. Yung feel lang talaga nung stick yung habol ko, recently yung Johnny Rabb 5a na straight neck yung ginagamit ko, parang ayoko na nga mag palit pag yun gamit ko. In my opinion since maliit kamay ko, parang yun ang inbetween 5a and 5b na stick sa akin. May nasira na pala akong stick, yung 7a Zildjian na nylon tip, natangal yung ulo kakapalo sa crash as ride cymbal, una na detach yung nylon tapos sumama na yung tip talaga, haha...yun yung isa sa mga pinaka una kong stick.
Yun nga rin yung ayaw ko sa ibang sticks tulad ng Nova na 5a, parang medjo hollow, kaya nung na try ko yung Johnny Rabb parang yun na talaga gagamitin ko. Pansin ko ren lately na parang masmalaki sizes ng Vater compared sa ibang stick, ewan ko lang sa Ahead kase di pa ako nakakatry nun. Siguro okay sa akin yung 7a na Vater, kung meron...
Nung isang araw pumunta akong The Music Source (Cubao), sabe sa akin puro generic lang meron sila ngayon ewan ko lang nung the next day kaya nakitesting nalang muna ako nung electronic drumkit nila naka display dun, haha...chaka di ko nga rin alam at natanong kung anong mga brand ng stick binebenta nila. I've also never tried Stagg chaka oak and maple na sticks.