hindi mo na nasagot tanong ko hehehe.. sa tantiya mo ilang mm yung kailangan kapag ganun ka close ang kukunan mo.. like yung mga kuha mo na pang magazine na shot!..
sorry sir di ko napansin. hehehe!
bale ganito po... Sa normal na zoom hindi reversed kunwari yung sa kit lens ng D40 ko, pag nasa 18mm mas wide kuha nya tapos pag nasa 55mm mas lumalapit yung subject di ba? so pag binaliktad mo yung lens baliktaders na rin ang mundo ibig sabihin sa macro pag nasa 55mm mas malayo or mas maliit yung magnification tapos pag nasa 18mm mas malapit or mas malaki na yung magnification
eto sample pics sir para may size reference po tayo...
just my 25 cents
2 cm diameter nito sir taken at 55mm lens reversed
eto naman naka-set sa 18mm yung lens bale 5mm naman yung length ng 2004 engraving
lens hood ko set sa 55mm yung lens nakabaliktad rin pero tignan mo sir yung HB markings sa right kung gano kaliit
eto naka-set na sa 18mm yung lens bale nasa 3.5mm length ng HB lettering kita mo na sabog ng pintura
tapos eto hindi ito reversed lens eto yung +10 closeup filter medyo bitin talaga magnification eto na sagad nya:
pag sinipag mag-Destroy It Yourself naman ako ng Pringles tubes subukan ko naman DIY extension tube