Kaya Tama kinuha ko kasi heavy duty at wala masyadong screws and hinges na maaaring lumuwag in the long run.
Heavy duty and low-maintenance (alagang punas lang at oiling every 6 months sa chains at footboard hingers), at saka smooth action, kaya trip ko.
Depende pa rin sa tao kung ano ang gusto niyang cam shape sa Tama kung Power or Rolling. Maraming drummer dito ang naka-Powerglide, lalo na mga metal drummers, dahil sa speed na pwedeng makuha dito - yung off-shape cam ang nagpapabilis ng response ng beater. Balita ko nga sa metal scene sa Olongapo, puro mga Iron Cobra ang gamit ng mga tao doon. Sa Audiophile, yun lang ang available cam shape.
Yung Flexi naman, ang difference lang e belt-driven siya na Power-glide. Kaya mas magaan, at may floating feel.
May ilan naman, tulad ng inyong lingkod, na gusto e control ang uunahin - kung ano ang pressure ng paa, yun din ang response ng beater. Kaya Rolling glide ang choice ko.
Pero sa totoo lang, minor lang naman ang difference. Pwede rin naman magkaroon ng control sa Power glide, at pwede bumilis sa Rolling glide. Nasa drummer pa rin yan.