Thanks tarkuz! Nagkaproblem ako sa pag-bypass ng wharfedale speakers . Gusto ko kasi mag-biamp kaya i disabled the built in dividing network sa loob ng speakers, kaso hindi ko nga nagustuhan ang tunog kaya binalik ko sa dati, sa ngayon nag-full range na lang ulit ako.. bumili na lang ako ng Ultrabass Pro ng Behringer to drive my subs. So far ok pa naman, yun nga lang di ko talag mai-compare yung sounds sa ibang speakers na gamit ko.. Nung binuksan ko pala ang loob ay nadismaya ko sa liit ng magnet ng woofer at ng tweeter, napaka laki ng cone at enclosure, kumbaga yung 15" nila ay katumbas lang ng 12" na gamit ko. Pero in fairness, maganda din naman yung ibang series nila gaya ng plastic enclosures, siguro nakatapat lang ako ng di maganda pro try nyo din i-check. Vinokulafu, with your budget, competitive na din ang Impulse Series ng Dai-1chi (yes, ok ito!) Payo ko lang wag kang bibili sa showroom nila sa Megamall, mahal dun, punta ka na lang sa Raon, hamak na mas mura. With regards to audiophile, dun ako bumibili ng amps (QSC) at Mixers (mackie). Nahaluan lang talaga ng Wharfedale yung set-up ko due to budget constraints. Pero sa susunod na pagbili ko, I'll try GRF siguro. Naka-attend ba kau ng PALMM 2006 show sa WTC, Pasay?