ang malupit dyan, trapik na at mababagal ang takbo ng sasakyan, may nabubundol pa
simple lang naman ang sagot dyan:
masyadong madaming "hot" sa kalsada.
kagabi pauwi kami ang daan namin from ortigas to c raymundo pas diretso floodway.
tawa kami ng tawa nung barkada ko na nagda-drive kasi ang daming pwedeng naging aksidente dahil
1. may karag na tamaraw fx ang biglang nag berserk at sinaksak ng sinaksak kung saan saan yung sasakyan.
2. may naka 200cc na Duke na tila kakasya sa 1 inch na espasyo. ang bilis sumingit tapos dire diretso sa mga 4-kantos.
3. may mga kotse at motor ang hindi alam ang ibig sabihin ng yellow box at pedestrian lane sa 4-kantos.
mas importante ang oras kesa buhay sa mga Pilipino ngayon eh.