DOTA, d ko magets kung bakit ang daming nahuhumaling dyan. Can't understand why people spend too much time on a game that is based on a 10 year old engine.
Here's what I think.
a) Feeling ko talaga "Peer Pressure" ang dahilan kung bakit maraming naglalaro nito e. Kumbaga sa tropa kung d ka umiinom, out ka. Isipin mo, yung karamihan (hindi LAHAT) ng mga nagdoDOTA di naman talaga focused sa skwela at sa mga aralin pero pagdating sa DOTA, kabisado ang bawat SS, item na bibilhin tsaka mga heroes.
So napipilitan sila mag-aral na kung tutuusin e ayaw nila mag-aral. Did you sense the irony of it?
Nagegets ko pa ung Magic the Gathering e, may kamahalan nga lang ang libangan na 'to.
So kahit gusto ng mga tao maglaro ng ibang online o LAN games, dahil maraming "pa-cool" out there na nagloo-lookdown sa hindi nagDODOTA, napipilitan tuloy sila. May nakita pa nga ako tine-threat nya ang kasama nya kundi babatukan daw sya pag di naglaro.
b) Nakakainis din ung mga tao na feeling genius pag magaling sa DOTA. Parang ang dating e hulog sila ng langit at Diyos pag nadadaan sa mga internet cafe. Nanonoplaks ng mga ibang bata na nagkamali ng timing sa pag-gank or maling style ng pag-fafarm.
c) Isa pa, nakawitness na ako personally ng mga batang nagsuntukan dahil nagkapikunan sa DOTA. Sa DOTA kasi parang ang dami mo kelangan patunayan para respetuhin ka ng tao, wala na ung enjoyment na hinahanap mo sa video games. Pag bano ka, d ka pwede maglaro. Tapos tampulan ka pa ng tukso.
Guys d ako bitter DOTA player. I could have chosen DOTA as my main game and be good at it. Kaya lang, I don't get it. Don't get it at all.