napanood ko na sya last time na nagpunta sa singapore.. guitar solos galore, sya lang mag isa ang sumosolo, yung buong banda suporta lang, kahit keyboardist puro chords lang, no drum solo, no bass solo.
surprisingly yung acoustic solo nya ang pinakamalupit sa buong concert, saka yung theremin.. unexpected, grabe ang grip ni bonamassa, obvious sa acoustic solo yun
few days after the concert nabasa namin sa status nya na hand carry nya pala yung 59 burst LP nya at nagmumura sya kasi ayaw payagan ng jestar na ipasok sa eroplano as hand carry.. nakipag away pa yata sya dahil ayaw nya bitawan yung LP nya na worth more than 200k USD.. hahaha
well ilang palit sya ng gitara buong show kaya di ko na alam alin yung 59 burst.. so nakarinig na pala ako ng live ng 59 LP.. ok na yun hahaha