(Di ko alam kung belong dito 'to. First time ko, eh. xD Mods, kayo na po bahala. Thanks)
Hi guys! Sana matulungan niyo ako. Sa December 20 (after 13th month) bibili ako ng guitar; the first that I'll be buying 3 years after nasira yung unang gitara ko. Mejo nawalan na din ako ng drive tumugtog no'n. Sa haba ng panahon na 'yun eh wala akong hinawakan at tinugtog na gitara (I was never a good player to begin with, anyway. Mejo angat lang siguro ng konti sa Beginner level).
Pero these past few months, may isang gitaristang gumising sa interes kong tumugtog ulit after ilang taon. This guy is none other than Ed Sheeran. Grabe, sobrang nagagalingan ako sa kanya. For sure, masmarami pang magaling sa kanya. Pero simula nung una kong napakinggan 'yung Lego House, pinagiisipan ko na kung bibili ba ako ng gitara o hindi.
Hanggang sa narinig ko 'yung isang kanta niyang "Bloodstream". This song was the trigger. Sabi ko, "Gusto kong matutunan 'to. Gusto kong maging kasing-level ni Ed Sheeran." I've been saving up my money, and now I'm looking for a guitar that I can really learn on.
Sana matulungan niyo ko mga sir/ma'am. Gusto ko talagang matuto ulit, and this time, seseryosohin ko na. Anong guitar ba ang maganda para sa katulad ko? I've been looking at D&D, RJ, and Takamine, pero hindi ako makapag-decide. Brand new lang po sana hangga't maaari, and budget limit is Php 10k. Salamat talaga, mga sir/ma'am!
P.S.
Makakatulong ba kung sasabihin kong sa Pampanga area lang ako hahanap/bibili? Wala akong tiyagang pumunta sa ibang lugar na kakailanganin ko pang mag-bus e. Salamat ulit!