Anong advantage ng pagrerecord ng whole song vs. Per pattern? Naisip ko kasi baka less hassle pag per pattern. Tapos copy paste na lang
yung tails ng waveform mo halatang kinopy paste mo lang. kung papatayin mo naman yung tails, lalo na. And of course kung isasakto mo sa click track, good luck, unless sobrang tight ka sa click.
and trust me, di hamak na mas effort mag copy paste kaysa mag perform na lang. una kailangan sakto sa click ang pattern mo. tapos copy, paste, align, ayusin ang crossfade, i-check kung may magcclip dahil sa overlap ng patterns. check kung tama ba yung number of bars na kinopy paste mo. record another pattern. copy paste, align, rinse and repeat. and did I mention you have to be right on the click, or else tunog sloppy yan kahit ano ang align mo. for that much effort, buuin mo na lang yung kanta. tig-3 to 6 minutes per take lang, tapos post na lang.
kung copy paste ang gusto mo gawin, mag software instrument ka na lang, may mga tulad ng EZDrummer, Superior Drummer (tama ba) o kya yung ginagamit ko Independence Free para makapag gawa ng MIDI-based drums na tunog galing sa studio.