Naayos ko na ang tono ng snare drum ko (sa wakas!)
Ito ang review ko para sa snare drum, three tunings, two studios and two gigs later:
Timbre/Tonal Color: Slightly lower fundamental pitch compared to maple. Mas loose ang tone ng acrylic.
Dynamic Range : Very predictable. Pareho ng Tama Artwood maple.
Tonal Range : Ang sweet spot niya ay hanggang kalahati ng diameter mula gitna. Para sa pinaka-ideal kong tuning, may konting ringing pa rin, kumpara sa maple ko na dry talaga.
Tuning Range: Limited. Ang pinakamagandang tuning range nito ay ang nasa tight - tons of crack. Kapag lumuwag na, may "boing!" na, kahit ano'ng config na ng batter/reso (tight-loose, loose-medium tight, tight-medium tight, loose-loose, etc.), at kakailanganin na ng O-ring para ma-contain ang tunog.
Cross Stick: Pareho sa maple in sound and stick locations.
Volume: Loud. Kumpara sa maple, earsplitting ang sound. Noong ginamit ko siya sa Hellacious bar, na medyo masikip ang lugar, nag-comment yung singer namin na sobrang lakas daw ng tunog ng snare ko. Ideal daw ang paggamit ko nito sa bigger venues. Sa studio at sa Gweilo's Eastwood naman, wala naman akong natanggap na comment sa volume, pero sa tingin ko tama lang sa mga lugar na yon.
Sa history ng mga narinig kong snare drum ito ang top three na pinakamaingay para sakin:
1. Mike D's 1963 Rogers maple.
2. Acrylic snare drum ko.
3. Pearl Vinnie Paul signature maple.
(Kung makarinig ako ng Tama bell brass o nung Stewart Copeland signature brass siguro mag-iiba ang top 3 ko.)
Sensitivity: Very, very sensitive. Dinig na dinig ang ghost notes, at walang pagkakaiba sa tone ang malakas at mahinang palo.
Feel: Airy ang tunog ng maple, kaya mas nama-maximize ang tunog ng drumhead. At dahil nasa tight ang tuning, expect more bounce.
Comments: Para sa malalaking venues at open air events ang snare na to. Ideal ang sound for rock and metal, lalo na pag gusto niyo ng staccato. Konting tweaking lang sa tuning at pwede na rin sa reggae/dancehall for that ringing, Chad Sexton sound. Ginamitan ko kasi ng Remo Ambassador coated ang batter head, siguro magkakaroon ng significant reduction sa ringing kapag gumamit ako ng Remo CS coated, Remo Powerstroke 3, Evans Genera Dry, o Evans Genera HD Dry.