Mga sir. Tanong ko lang po bakit yung snare wires ko parang loose? Parang tom yung sound ng snare ko? Beginner palamg po kasi ako. Need help po. Thanks.
Baka laspag na yung snare wires mo.
Bago lang ba yang snare mo or matagal na?
Kung matagal na, malamang laspag na nga, at kailangan mo ng palitan ng bagong snare wires.
Kung bago pa naman, pero loose, baka maluwag lang yung wires, try mong i-tighten ung wires sa strainer/throw-off.