any tips para ma improve my playing ability and is it necessary to have your own drumset?
Mga basics na dapat mong matutunan ay ang tamang paghawak at pag palo ng stick sa drums at cymbals; tapos, lahat ng rudiments at kung paano mo sya i-aapply sa four limbs at iba't-ibang components ng drumkit; at four way coordination sa mga simpleng groove;
at ang pinakamahalaga sa lahat, ang consistent time-keeping.Kapag nagagawa mo na ng malinis yung mga binanggit ko, pwede ka nang mag self-study ng mga mas advance na groove.
Advantage ng pag t-take ng drum lesson yung pagbabasa ng drum notation. Kung marunong kang bumasa ng nota, internet nlang ang kailangan mo para madagdagan ang repertoire mo sa iba't-ibang groove.Pwede ka din mag attend ng clinics at eb's.
Mas may advantage kung may sarili kang drumkit kesa wala, syempre.
Pero kahit walang kit, basta't consistent ka sa practice routine, may disiplina ka't determinasyon, walang imposible.
Happy Drumming!