we should not support ticket-selling gigs because it is the prod's job to promote the gig. the band's job is to show up and perform. KAHIT THANK YOU LANG ANG BAYAD, basta hindi na imposed na mag-benta.
In fact dapat nga yung banda ang binabayaran para sa talent nila e. meron ibang ticket selling pag kulang ang ire-remit mong money hindi ka patutugtugin. meron ding ibang pag andun na kayo with complete guests, biglang hindi pa rin kayo patutugtugin kahit naka remit na kayo ng ticket sales. hindi to exaggeration, nakalap ko to sa mga kids today hehe, parang urban legend baga.
tsaka sana naman wag 24-25 band line-ups sa isang gabi, tapos tig-iisang kanta, kalokohan yun hahaha. PUNONG-PUNO NGA YUNG BAR, LAHAT NAMAN MEMBER NG BANDA, e di wala din kinita yung bar o yung prod haha.
note to bands, hindi lahat ng bars e malaki ang bar guarantee, alamin niyo sa manager or owner para alam din nating lahat ang sitwasyonat hindi kayo maisahan ng prod. tsaka pag may na-set na call time, pumunta kayo on time para maiwasan ang singitan at hassle hehe. be professional para mapilitan maging professional din yung mga amateur prods.
tsaka sana sa mga prods, ayusin ang pagline-up ng banda, wala dapat singitan. meron paminsan pag may "guest" band may option silang pumili ng slot. ulol sila, kaya nga tayo nasa underground kasi ayaw natin ng mga "rockstar-primadonna attitude" e haha
. tsaka give the bands their due. kahit tig-iisang libreng beer masaya na yun. kung may ticket share ayos din, malamang sa hindi lugi pa rin yung banda nun e, pero at least may pamasahe o pang-gas haha
enjoyin natin ang pagtugtog, walang gaguhan. tsaka sana wag ma-traumatize ang mga bata, baka wala nang tumuloy sa pagtugtog kung laging manlalamang ang mga prods hehe.