TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Tech Forums => Gaming => Topic started by: V.I.O.L.I.N.S on September 18, 2008, 10:15:08 AM

Title: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: V.I.O.L.I.N.S on September 18, 2008, 10:15:08 AM
Aminin natin, saksi tayo sa biglang pagbabago ng gaming. Dati, Mario World lang eh kuntento/masaya na tayo - kahit sa loob lang ng 15 mins. Ngayon, eh halos wala nang tayuan. Naapektuhan pati yung mga dapat nating gawin.

Hindi na ko lalayo, ang laki ng impact saken ng transition ng gaming. Yung mga nasabi ko sa taas eh applicable saken. Kuntento na ko dati sa Mario ng 15 mins. Medyo nababato na ko 'pag lumagpas dun. Pero nung lumabas ang PS1, yan medyo inabot na ko ng 2-3hrs. Nung college, inabot nako ng 5 - 8 hrs.

Kayo!? Ano yung sa tingin n'yo yung mas masaya. Gaming Noon? O Gaming Ngayon?
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: rockophoria on September 18, 2008, 10:21:15 AM
mas masaya na ngayon..

ako di ako natulog ng 4 (sunday to thursday) days para lang tapusin ang Metal Gear Solid 3 Snake Eater.. partida pa kasi pumapasok pa ako sa opisina.. (monday to thursday) hehehe

sino tatalo sakin????
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: jem_adriano on September 18, 2008, 11:28:16 PM
masaya noon at ngayon kase napag daanan ko talaga ang technology..mula pa family computer...

oohhh i can remember saturday mornings as a kid nung may sega megadrive pa kami mga kapitbahay namin nakikilaru pa....playin games like fatal fury donald duck quackshot alien storm....hayyy kakamiss,thats why i still download those same games today..
then came the psx....ESPN X-games twisted metal 2 bakbakan kami,silent hill,metal gear ehh ako pa youngest samin magkakapatid pero ako lang nakatapos ng mga games na ito...

basta i miss the saturday morning habit...i was like 15 then...

ngayun psp and ps3 pero may trabaho naman ako huhuhu
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: thunder_god on September 19, 2008, 07:44:42 AM
I still go for old school games. From atari to family computer tapos Sega megadrive, famicom, tapos ngayon RPG na at PS. Hinahanap ko parin ang mga classic games Like Rockman 1-8, tapos SUper Mario, legends of cage, spartan X kahit ang Street FIghter the world warriors, Mortal Kombat. Wala pang mga super moves noon. Classic 3-4 hit combos lng. Ngayon automated na lahat ng moves, ang dali iexecute ng mga commands tapos 30-40 hit combos agad di tulad dati pinaghihirapan mo talaga to complete the combo attack. Same with the other forummer, dinadownload ko parin tong mga to at nghahanap ng emulator to play them.   :-D
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: simon_divitico on September 22, 2008, 07:30:59 PM
Masmasaya ngayon... Naalala ko, nung grade 1 ako excited palagi akong umuwi parang maglaro sa bidyuhan samin, isang beses talaga sinundan kami ng papa ko sa place, gulpi de gulat kami ng kuya ko! Kaya mas masaya na ngayon, di ko nararanasan yun  :-)
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: slash59 on September 24, 2008, 07:29:22 PM
mas masaya na ngayon..

ako di ako natulog ng 4 (sunday to thursday) days para lang tapusin ang Metal Gear Solid 3 Snake Eater.. partida pa kasi pumapasok pa ako sa opisina.. (monday to thursday) hehehe

sino tatalo sakin????

yan lang ba??
eh hindi namn masyado mahirap yang mg3..
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: xavier on September 24, 2008, 07:36:08 PM
PS1 is still the best. san kabilang ang ps1?
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: inigo on September 24, 2008, 07:46:23 PM
Grabe dati walang save-save. Dapat derechuhin. Kung gusto mo tapusin ang isang game, pero inaantok ka na, i-pause mo na lang, tapos patayin mo TV... iwanan mo naka-on magdamag.
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: jun_BALARAW on September 24, 2008, 08:50:14 PM
Grabe dati walang save-save. Dapat derechuhin. Kung gusto mo tapusin ang isang game, pero inaantok ka na, i-pause mo na lang, tapos patayin mo TV... iwanan mo naka-on magdamag.
ganyan yung sonic dati hehehe
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: powerchord41 on September 25, 2008, 06:44:07 PM
napansin ninyo dati yung iba walang ending basta pahirap lang ng pahirap hanggang mamatay ka... parang pac-man... hehe! or kung may ending man game-over or bigla papakita nalang yung logo ng game maker... hehe!

tapos yung learning curve ng games noon sobrang halos wala... parang you can play any game tapos ayun na gamer na gamer ka na agad... ngayon kasi may learning curve pa bago ka masanay sa controls... minsan inaabot ka pa ng ilang oras bago ka masanay sa controls at bago mo ma enjoy yung game...

pero ang gustong gusto ko ngayon is yung story ng games para ka nang nanonood ng movie pero ikaw ang may control sa bakbakan o sa storya...




Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: psychotik on September 26, 2008, 08:20:24 PM
di ko na nakikita ngayon yung pinaka magaling sa mga ARCADE GAMES dati kahit saang laro laging sha yung una sha yung nag nangangalang

AAA

ang player na to kahit saan makita mo sa rank  :lol:

salamat sa teknolohiya ng mga rechargeable na mga psp.. hindi mo na kailangan bumili ng bumili ng bumili ng battery.. hindi ko afford nun makabili ng rechargeable na battery sa brick game  tsaka game and watch..

hehehe mga rpg ngayon kailangan may save point.. nakaka inis naman lalo na yung sa crissis core.. dapat anytime pwede mag save
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: trees on October 23, 2008, 12:22:57 PM
sino pa ba ang d nakakalaro ng game and watch?

naalala  ko non.. . paglabas ng school .. . .andyan na c kuya. . .may game en watch sa cart niya. .. .5 pesos ang arkila until ma-game over. . .may spaceship, octopus at cowboy. . . ... .solv na ako non. . .

Masasabi ko lang ay. . .. maraming sakiting bata ngayon kumpara dati dulot ng gaming. 

Mas masaya pa ring laruin non ang tumbang preso, luksong baka/tinik, taguan, agawan base, sarangola, salagubang/salaginto, text, turumpo. . .etc.  kung ikukumpara sa atari nung "bata" pa ako. . hahaha. . ...
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: ZeroForceXXVII on October 24, 2008, 02:24:08 PM
sino pa ba ang d nakakalaro ng game and watch?

naalala  ko non.. . paglabas ng school .. . .andyan na c kuya. . .may game en watch sa cart niya. .. .5 pesos ang arkila until ma-game over. . .may spaceship, octopus at cowboy. . . ... .solv na ako non. . .

Masasabi ko lang ay. . .. maraming sakiting bata ngayon kumpara dati dulot ng gaming. 

Mas masaya pa ring laruin non ang tumbang preso, luksong baka/tinik, taguan, agawan base, sarangola, salagubang/salaginto, text, turumpo. . .etc.  kung ikukumpara sa atari nung "bata" pa ako. . hahaha. . ...

speaking of G&W... adik na adik ako dati sa Western Bar e... me dadaan na nagpapa-renta ng G&W sa tapat ng bahay namin bago dumeretso sa skwelahan... piso/3 lives hehehe :-D
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: rhanen28 on October 28, 2008, 11:13:50 PM
astig na rin ngayon kasi kapag hindi ka marunong mag drums, sumayaw, magDJ, mag gitara pwede ka mag feeling sa simulator

dati sa racing sa arcade tuwang tuwa ka na maka 1st ka lang
ngayon nababadtrip ka kung mas mabagal ka ng .XXX seconds
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: Angst_Ridden on November 12, 2008, 04:19:34 AM
Pra sa akin lang, yung hours spent on gaming eh nasa tao na ang control. Ang gusto ko sa gaming ngayon is yung massive multipalyer or online games kung tawagin. May human interaction kc and with people from other countries pa. You can learn a lot from them and vice versa. I think this brought a new level to gaming...well, aside from the infamous DOTA!  :-D  :-P
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: art_attack16 on February 06, 2009, 09:09:49 PM
Masaya talaga noon.. pero NOON.
Sh3t. nalaglag ako sa Top 10 nung elementary dahil sa family computer
hahaha pagkatapos ng downfall ko nung time na yun. simula grade 5 hanggang ngayon.. naging average na lang ako sa class hehehe
pero no regrets. masaya mag laro ng computer games hehehe.
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: gamelan on February 06, 2009, 11:15:51 PM
mas maganda siguro gaming noon kasi hindi masyado siniseryoso.. laro lang talaga


 :?
 :lol:
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: marzi on February 07, 2009, 07:27:16 PM
mas ok pa rin ako sa piso isang game over na family computer dati...
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: shredboi on February 08, 2009, 03:30:22 AM
mas masaya ngayon.. maganda na kasi ang gawa nila.. at masarap talagang taposin ang isang story ng game..mahirap pero nakakapanabik.. and mas maraming cheat ngayon..  :lol: :-D  down down up up left right left right  b a b a select, start...  :lol:
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: mambo on February 08, 2009, 03:50:51 AM
mas ok noon kasi cute pa si rockman..hehe
 mas ok naman ngayon kasi kaya ko ng sabihin na si shaq yung nakikita ko sa screen at hindi kagaya noon na parang play doh na hinugis na tao.hehe

actually bilang nalang yung nilalaro ko na lumang games dahil na rin sa graphics. nakakapanibago kasi bumalik sa luma. pag bago kasi impressed ka pa eh.
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: edalbkrad on February 17, 2009, 03:13:41 PM
Noon: Diablo 1, Baldur's gate
Ngayon: Titan's Quest, World of Warcraft

Noon: Duke Nukem 3d, Quake, ROTT, Descent, Hexen, Heretic, Doom
Ngayon: Left 4 Dead, Quake 4, Call of Duty


siguro noon maximum ko na ay 10 hours. pero since year 2000 eh abot na ng 20 to 160 hours non stop gaming dahil mabilis na internet. dati dial-up lang at modem game, gulpi kami sa diablo at quake  :lol:
broadband connection ang malaking difference kesa dati, hindi ang graphics
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: ninejuicyjulius on February 20, 2009, 10:00:58 PM
Retrogaming ako ngayon. Ang saya ng emulators.  :lol:
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: rebeltube_tim on February 20, 2009, 10:59:20 PM
Ang 7th generation Gaming Industry ngayun ay halos kasing laki na rin ng Movie Industry... production costs at target revenues hindi halos nagkakalayo...

samantalang dati muntikan ng mawala ito (buti sinalba ng Nintendo)... pero ngayun tignan ny0...

16 bit na consoles ang naabutan ko... sarap balikbalikan... dati rati ang main players nun eh Nintendo at Sega, Mario vs. Sonic... yun nga lang biglang lumabas ang Sony pagdating ng 32 bit age... palpak ang Sega CD, Sega Saturn hanggang umayaw na sila noong tinalo ng PS2 ang Dreamcast... pero ang Nintendo kahit na nabranded na pambata ng mga Playstation fanboys noon hindi pa rin nila maitatanggi na ang Legend of Zelda: Ocarina of Time ang greatest game of all time...

sarap talagang balikan ang mga laro noon... pero mas posibleng magawa ng isang developer ang nais niyang gawing Laro... dahil mabilis ang technology magbago... mas lalong tataas ang demand at quality ng laro...
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: sherlockjohns on February 23, 2009, 06:37:17 AM

Para sakin mas may thrill dati kesa ngayon, wla lng mas natutuwa ako dati pero kng sa graphics ngayon mas ok!  :-D
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: baloba on July 23, 2009, 09:46:03 PM


mas modern na ngaun..

mas nauso na ung mga cheats..

pero miss ko pa din ung retro games..
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: sherlockjohns on July 31, 2009, 02:07:35 PM

Parehas na masaya dati at ngayon...  :-D
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: mampupunit on August 02, 2009, 08:40:47 PM
actually d mo maikukumpara kung ano yung mas masayang gaming kung noon o ngayon. kase kung yung technicalities ang pagbabasehan like yung graphics, learning curve, story line, etc eh walang panama yung mga laro noon.

mas masaya kase lang talaga maglaro pag may kalaro ka. although merong games na pang isahan lang talaga, iba pa rin pag kalaro mo yung kapitbahay mo, pinsan, kapatid mo, yung ganun ba.
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: unnailed on September 30, 2009, 02:03:11 PM
C.S. - DOTA
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: ermonski on October 05, 2009, 07:28:13 PM
back then LAN gaming was all about Counter-Strike, Quake 3 Arena and Unreal TOurnament.

wala na ata akong nakikitang naglalaro ng Quake 3 tsaka UT ngayon, pero sa US at Europe dami pang aktibong players hehe
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: jamcaraig on October 07, 2009, 07:36:13 PM
noon.. maraming nagrerent at satisfied na sa GAME and WATCH.

ngayon.. may nagpaparent ba ng PS3? LOL
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: kozki on November 07, 2009, 09:59:28 AM
noon.. maraming nagrerent at satisfied na sa GAME and WATCH.

ngayon.. may nagpaparent ba ng PS3? LOL

sa festival mall ata may ng paparent ng ps3.. :-D
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: jamcaraig on December 12, 2009, 11:55:00 PM
sa festival mall ata may ng paparent ng ps3.. :-D

ahaha. lahat naman for rent na ngayon.
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: unnailed on December 13, 2009, 09:52:09 AM
mag cliclick kaya ang " heroes of newerth"?
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: ioffendpeople on December 13, 2009, 02:34:27 PM
(http://i5.photobucket.com/albums/y172/whole_lotta_hoopla/1260273736512.gif)
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: starfugger on December 19, 2009, 11:58:19 AM
thy don't make 'em like they used to. 

FULL THROTTLE was hands down the best game i've played ... EV-VER ...
I Have No Mouth But I Must Scream takes second place. 

The Leisure Suit Larry Series, and Hugo Series, also rock!



Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: killerbutete on December 21, 2009, 09:44:33 AM
mas high tech na ngayon at ayus ang availability. kahit sang lugar ka pumunta, basta may PC-han, pede maglaro ng games  :-D
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: xelalien on January 01, 2010, 11:18:18 PM
Noon: cartridge/bala

Ngayon: ISO na downloadable :evil:
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: rainierito on January 04, 2010, 09:04:37 AM
kung graphics ang paguusapan syempre mas maganda ang present games, pero pag dating sa enjoyability, mas masaya noon, konti lang ang learning curve at makakalaro ka na agad.

since ps3, hindi pa ako nakakakita ng game na original, lahat ginaya lang sa former games... yung mga dating laro ini improve lang... kailangan ng gaming industry ng original minds to come up with original games na ground breaking...
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: BenjieMusic on January 04, 2010, 09:47:36 AM
gaming?

diba ang laro dati: tumbang preso, luksong baka, taya tayaan.
masaya na ang bata pag nakalaro ng ganyan. simple.

eh ngayon. mga bata di mabubuhay ng di nagdodota  :lol:

may nakita nga ako 4 years old. kasama ng kuya nya siguro ay may edad na 12 or 13.
naglalaro ng dota.
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: Enj0i on January 16, 2010, 10:44:13 AM
gaming?

diba ang laro dati: tumbang preso, luksong baka, taya tayaan.
masaya na ang bata pag nakalaro ng ganyan. simple.

eh ngayon. mga bata di mabubuhay ng di nagdodota  :lol:

may nakita nga ako 4 years old. kasama ng kuya nya siguro ay may edad na 12 or 13.
naglalaro ng dota.

oo, yung mga pamangkin ko sa pamapanga pag umuuwi ako dun ako pa tinatanong nila kung marunong akong magdota. haha..

pero kakamiss yung paguwi ko nun eh papayagan ako ng ate ko na maglaro ng kahit na ilang minuto lang ng super mario at contra. hehe...
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: jaoko on January 31, 2010, 09:38:27 AM
mas magastos ngaun.. :roll:
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: tmgacal on February 01, 2010, 01:54:13 AM
mas madaling me deads sa mga games  nuon.. tld ng mario at contra .etc. :evil:
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: killikillers on February 02, 2010, 09:30:58 AM
online gaming ngayon at noon??

MAS MARAMING SCAMMER NGAYON MWISSEETT!!!
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: speedkill on February 20, 2010, 10:52:07 AM
hehe....
tungkol nga pala sa game & watch, may natapos akong game dun ng bata pa ako, yung octopus at popeye
may nagpapa arkila pala ng game & watch dati? d ko napansin yun ah.
sino pa ba ang d nakakalaro ng game and watch?

naalala  ko non.. . paglabas ng school .. . .andyan na c kuya. . .may game en watch sa cart niya. .. .5 pesos ang arkila until ma-game over. . .may spaceship, octopus at cowboy. . . ... .solv na ako non. . .

Masasabi ko lang ay. . .. maraming sakiting bata ngayon kumpara dati dulot ng gaming. 

Mas masaya pa ring laruin non ang tumbang preso, luksong baka/tinik, taguan, agawan base, sarangola, salagubang/salaginto, text, turumpo. . .etc.  kung ikukumpara sa atari nung "bata" pa ako. . hahaha. . ...
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: ^Son_Gokou08 on February 20, 2010, 04:44:30 PM
mas madaming quality games noon. astig ang mga gameplay. ngayon, madaming games ang parang tech demo. yeah, lamang na lamang sa graphics, physics, sound effects etc., pero sablay naman ang gameplay. di naman lahat, meron din naman magagandang games ngayon, mas marami nga lang noon.
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: speedkill on February 20, 2010, 05:08:15 PM
dead space is one of those
another is gears of war
mas madaming quality games noon. astig ang mga gameplay. ngayon, madaming games ang parang tech demo. yeah, lamang na lamang sa graphics, physics, sound effects etc., pero sablay naman ang gameplay. di naman lahat, meron din naman magagandang games ngayon, mas marami nga lang noon.
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: lykenhowl on February 21, 2010, 07:25:19 AM
Noon- Kailangan mabait ka para makapaglaro ka sa Nintendo

Ngayon- kailangan mabait sila sa kin para magamit nila PC hehe.
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: kingthomas on February 21, 2010, 01:57:11 PM
sino naglalaro ng Half Life? Yung sabugan lang na free for all?  :lol: :lol: :lol:

yun linalaro ko pag sawa na kami ng mga tropa ko sa CS.

rocket launcher!  :-D
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: plectrum on April 06, 2010, 11:09:09 PM
up, up, down, down, left, right, left, right, B, A, B, A, start!
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: siontok on April 08, 2010, 10:45:08 AM
Were all lucky we are all able to witness the transition of Video games. I remember it so well like it was just yesterday.

During my younger days, if your household owns a Family Computer, all your friends will be at your house. If you own a gameboy (dot matrix), sikat ka sa street nyo. And then SNES swept the streets, power rangers all the way! Then Sega released their megadrive, Mortal Kombat all night long! And many more. I remember before that we really enjoyed these video games despite the fact that the graphics are not even 1/4 of the recent graphics we have recently on our consoles. And there were fewer buttons during these times.

And then Playstation came along, boy it was the dawn of a new kind of gaming, graphics was more defined and realistic. I remember when I was in my 5th grade, your a loser if you dont own one, so I cried to my parents to buy me a Playstation. (together with dual shock and gameshark) Damn, it really dumped my old consoles to the junkyard. Even though theere were more buttons to sink our fingers in, it really gave me a good experience on gaming.

And then other companies like Nintendo, Microsoft, introduced their consoles that projected more detail to graphics. Graphics was the trend then.

And then, Nintendo introduced WII, the trend changed. It was more on real time gaming rather than the gamepad style we got used to. But WHO CARES! As long as we can enjoy and finish the games, we can get along with our gaming consoles. Diba?

I must say, gaming has really changed really quick, the pace is too fast but we still enjoy them. I guess people who were born during the late 80's are lucky that we are able to experiemce that transition. Don't you think?
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: V.I.O.L.I.N.S on April 14, 2010, 07:20:42 PM
True. Though I must say, games of the past generation were less realistic and were a lot less violent. Correct me if I'm wrong but that's how I perceive it.

If we'll compare it with today's games, the level of gore and whatnot had tremendously changed to the point that it tried to simulate real life physics.

Kids, these days, enjoy these crap. As a gamer of the early to mid nineties(since I was their age as well), I was in a bit of shock that they crave for such gore.

If I remember correctly, my aim for this thread was to ask as to what generation is better. And I am quite pleased to see that all replies were in line with the topic. :)
Title: Re: Ang Gaming Noon at Ngayon
Post by: siomaiman on May 01, 2010, 02:19:29 AM
iba na talaga ang gaming ngayon! ang pinakamalupit na nangyari sakin eh yung lumabas yung Final Fantasy X. Hindi ko siya malaro kasi busy sa trabaho, so paguwi ng bahay borlogs agad dahil sa sobrang tulog. Sakto pagkaresign ko, para akong naghibernate, 6 months kong nilaro, walang labasan ng kwarto. Gising ng maaga mga ala 5, tulog ng madaling araw mgas alas 3. Para akong sinaniban!

Dati merong nagpaprenta samin ng family computer, piso 5 minutes. Piso lang solve na nga sa mario saka contra. Maraming ng pagkukwentuhan ng mga kalaro!  :-D