OT @aya_yuson: When you formed Wdouji, was Coco Bermejo your drummer ever since? Was Wdouji able to play with Majam on occasion? If yes, when were those occasions? Thanks! 
Yes, Koko was our drummer from the start.
Nung una, wala pa ako. Sina Koko at Ron T ang nag-umpisa ng Wdouji. Tas sumama ang "The" Simon Tan.
Nung una si Ira Cruz kasama nila. Di ako sigurado kung hanggang jam at ensayo lang sila non o kung nakapag-gig din sila.
Tas nakasama nila si kumpareng Nikki Cabardo (Freestyle keyboardist). Nung naging busy sobra si Nikki sa Freestyle, ako ang kinuha para mag-sub. Two monday gigs lang dapat 'yon.
After the 2nd gig, kinausap ako ni Koko. Tinanong kung gusto kong sumali on a permanent basis. Syempre ang sagot ko, "OO BA!!!".
.png)
Kaso nagpunta kami ng Freeverse sa San Francisco nang isang linggo. So sabi ko pagbalik ko, game na.
Kampante akong walang bangga sa monday gig ng Wdouji sa Freedom Bar dahil sa buong anim na buwang nakasama ko ang Freeverse (at ang singer nilang si Sailor Moon), ni minsan 'di kami nagkaroon ng gig ng lunes.
Eh, mantakin mo ba namang nung tumotogs na ko sa Wdouji every Monday sa Freedom Bar, nagkaroon ng gig ang Freeverse tuwing lunes.
Pinapili ako ni Celeste.
Eh, mas importante sa kin ang oks na togs kaysa makintab na sapatos (at di ko na talaga matiis si Sailor Moon at ang kanyang p____nanginang dimples, so nag-full-time na 'ko sa Wdouji.
2001 'yon.
Mula n'on hanggang ngayon, di na uli ako tumogs sa showband.
