TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician
The Musician Forums => Pinoydrums => Topic started by: peeves24 on October 11, 2006, 11:40:08 AM
-
question para sa mga conservatory guys, meron bang "grades" ang drumming? parang yung sa piano na start ka sa hannon book for grade 1 to grade xx
something like :
grade 1: all rudiments
grade 2: basic rock drumming
grade 3: independence and jazz drumming
grade 4: stick twirling* hehehe
and so on and so forth
if not, maybe we can create one?
it would be cool if there is some sort of curriculum/checklist for drumming, something you can measure your skills with. pansin ko kasi, nawawala yung eagerness to learn new things kapag walang nag cha-challenge sa yo. or minsan na stuck ka na dun sa alam mo ngayon at di na nadadagdagan at di mo alam kung san ka na pupunta.
we are talking about skills here and not musicality. its mainly for improving your chops to better express yourself on the instrument. creativity not required.
-
tama.. i agree.. at saka para malaman din natin kung aling skill ang pwede/dapat nating i-improve..
-
tama.. i agree.. at saka para malaman din natin kung aling skill ang pwede/dapat nating i-improve..
ako Prep.
Prep = solid time
-
tama.. i agree.. at saka para malaman din natin kung aling skill ang pwede/dapat nating i-improve..
ako Prep.
Prep = solid time
patay pano ako ne2? daycare? hehehe di ko alam ginagawa ko sa likod ng kit wahahaha pro tama ok yan para may gauge tau sa skill natin
-
junior kinder sa akin....kasi i still need to learn ALOT...kakahiya ako pag natugtug hahaha :lol:
-
pabata kayo ng pabata ah...
parang gusto niyong sabihin, kuya niyo ko at...
panganay si Chris at Dindin,...
tito naman natin si JP at Anthony...
-
happy family! :lol:
-
sabi na nga ba me magpapahumble dito e hehehe
kung iisipin mo kasi parang ang hirap maging jun regalado/mar dizon/mike alba o bagets. pano kaya sila naging diyos? at least, making some sort of guideline of WHAT TO PRACTICE gives hope to common "tao" like us that we can play like them someday.

tama! OT: gano kabilis ang acceptable na doubles? :D di ko mapantay ang doubles ko di ko rin mapabilis more than 220bpm ata... :(
-
ako graduated na.. hehe joke lang..
uu dapat meron para dagdag inspirasyon pag nagpapraktis!
-
hmm ako naman, i created a skill level for myself, advanced basic tawag ko. Basic pa kasi mga fill in's ko, pero i can double stroke (practice pa sa triple), slight paradiddles, tapos konting singkupado.
^_^ Di ko alam kung talagang advanced basic nga. kasi napanood ko kay dave weckl yung ibang skills ko eh. Hehehehe.
-
basic rock drumming.. Tamad mag rudiments heheh.
-
Mga bro share ko lang po ito, ang alam ko sa conservatory may screening pa sila sa mga gustong mag aral. Tapos meron pa yata na 2 months na pre-schooling, dito yata itinuturo yung pagbabasa ng notes. Tapos after that rudiments na, alam ko dito talaga nag papakadalubhasa ang mga coservatory students. Dapat kasi talagang ma develop nila ang rudiments kasi yan ang foundation nila. tapos siguro yung mga diffrent instruments na ang pag aaralan mo tugtugin depende kung anu major mo. Saka classical naman tinuturo sa conservatory, yun po ang mga nalaman ko sa friend ko. Sa mga lesson din sila kumukuha ng ibang extreme na technics, lamang na nga lang sila at madali na sila matuto dahil alam na nila rudiments at marunong na sila mag basa ng notes.
Kaya mga bro!!, more practice lang din sa rudiments natin para pag kukuha tayo ng style or technic, maluwag na pulso natin....Hope nakatulong ako mga bro kahit konti......MORE POWER!!!
-
sabi na nga ba me magpapahumble dito e hehehe
kung iisipin mo kasi parang ang hirap maging jun regalado/mar dizon/mike alba o bagets. pano kaya sila naging diyos? at least, making some sort of guideline of WHAT TO PRACTICE gives hope to common "tao" like us that we can play like them someday.
tama! OT: gano kabilis ang acceptable na doubles? :D di ko mapantay ang doubles ko di ko rin mapabilis more than 220bpm ata... :(
as long as the stroke is RR LL kahit anu pa tempo, double stroke pa din tawag dun.
kun hindi pantay, kelangan mo practisin ng mabagal pa at siguraduhin mong pantay. saka ka na magdagdag ng bpm kapag malinis na.
wala sa bilis yan, sa linis yan. darating din ang bilis.
-
Mga bro share ko lang po ito, ang alam ko sa conservatory may screening pa sila sa mga gustong mag aral. Tapos meron pa yata na 2 months na pre-schooling, dito yata itinuturo yung pagbabasa ng notes. Tapos after that rudiments na, alam ko dito talaga nag papakadalubhasa ang mga coservatory students. Dapat kasi talagang ma develop nila ang rudiments kasi yan ang foundation nila. tapos siguro yung mga diffrent instruments na ang pag aaralan mo tugtugin depende kung anu major mo. Saka classical naman tinuturo sa conservatory, yun po ang mga nalaman ko sa friend ko. Sa mga lesson din sila kumukuha ng ibang extreme na technics, lamang na nga lang sila at madali na sila matuto dahil alam na nila rudiments at marunong na sila mag basa ng notes.
Kaya mga bro!!, more practice lang din sa rudiments natin para pag kukuha tayo ng style or technic, maluwag na pulso natin....Hope nakatulong ako mga bro kahit konti......MORE POWER!!!
hmmm ganun ba...
well then, i propose that we start a project...multimedia dvd series...
lets start with the intro:
how to read notes, tabs
rudiments (with video demos)
___add your ideas here___
tapos yung second part,
library of grooves (syempre with video demos ulit)
fill ideas
___add your ideas here___
i remember sandy showing me a vid of him demonstrating fills, that's a good start. i'll talk to him about including the vid.
the video demos do not have to be "made by you", it can be some guy you saw from youtube or excerpts from professionally produced dvds. i can consolidate and organize it and burn it to a dvd.
syempre collective effort to kaya ang cost of distribution e yung cost lang nung blank dvd.
may mag vovolunteer bang contributor?
-
great idea! sana educator, veteran, respected ang mkuha nyo...! hu will do it for FREE! 8) 8) 8)
-
wala planong mag hire ng pro, walang pambayad ng talent fee. voluntary contribution lang ang pwedeng ilagay dun or pirated excerpts hehehe.
pag naghire kasi ng ganun e di naging instructional dvd na nung pro na yun. im not against it though but it defeats the purpose of the project being an encyclopedia drummatica. it will just be a collage of videos put together with transcriptions.
-
peeves24: sa ngayon wala pa ko na encounter na instructional video na nag tuturo ng notes, pero marami akong na download na videos na makakapag-papagana sa iyo na pag aralan ang rudiments. One example is: yung jaming ni CARTER BEAUFORD at VICTOR WOOTEN sa instructional ni V.W., grabe yun! ang dami dung mapupulot.....Thanks
-
^^^ the explanation to note reading doesnt have to be in video format. pwedeng gawin sa flash yung explanation then i can pick vids then transcribe so there will be live examples
i have that dvd too, making music, but its about interacting with the bass player, let's reserve that for the more advanced series
-
tito naman natin si JP at Anthony...
Pang-tito na pala ang appeal namin ni JP hahaha joke... :P
Seriously... Good idea yan, Paolo/peeves. It's nice to have some sort of "guidelines" para ma-gauge natin kung nasaan na tayo, skill-wise.
It can also be helpful to drummers who are self-taught or who are self-studying (like me). Kapag aral kasi, one can have the guidance of a mentor. Habang yung mga self-study naman, we can somehow randomly choose the stuff that we wish to learn. There's the possibility na baka may ma-skip kami or something. It would be nice to have some sort of "checklist".
I'll see if I can research something online about this topic.
8)
-
pabata kayo ng pabata ah...
Teacher! Teacher! Paano mag-tie ng shoes?!
-
pabata kayo ng pabata ah...
Teacher! Teacher! Paano mag-tie ng shoes?!
matandang batang isip! patali mo yan sa anak mo.
-
grade ko?
[grape]
ehehehehe but hey im gonna be one someday
-
Share ko lang po..
Sa school namin sumali ako sa club na panay musicians and singers. Bale bago ka makapasok kelangan ka muna mag pa screening and dun narin kayo i le-level base sa performance na ginawa niyo. Hindi ko nga alam yun criteria kung panu sila nag le-leveling. After ko mag pa screening after 1 week nakita ko na application form ko nakalagay Lv. 3 tas may comment na good pulse and rhythm. May mga rudiments din kasi akong ginwa nun. Nagtaka ako bakit ganun lvl ko eh hindi naman ako nagbabasa ng mga notes. Di ba dapat pag ganun na level mo dapat marunong ka na magbasa ng notes?. Curious lang ako.. :roll:
-
Putol-putol pinagaaralan ko,
- stick twirling
- basic rock drumming na nagagawa (lagpas pa nga)
-
Pano yan ala pa ako sa grade one kinder or prep maybe!!>......hehehehehe........
-
....Ako grade ko?!?.....
DROP-OUT ako eh..hehehe! :lol: