eh sa tingin mo ba aayos yang tenga mo at gagaling kang tumugtog kung aasa ka na lang sa tabs? pare ko, ang reggae ay tugtugan na galing sa puso at hindi pinag-aaralan... pinakikiramdaman yan. yan ang hirap sa mga bata ngayon eh, ang tatamad sumipra. kaya tuloy pati tugtugan hilaw ang dating at walang kaluluwa.
iwasan mo sana yang ugali mong sumusuko agad. kung pursigido ka talaga, magagawan mo ng paraan yan eh. eto't wala pang 24 oras eh sumusuko ka na. kung gusto mo talagang matuto, kailangang handa ka rin dumaan sa butas ng karayom.