Wala akong Superstar Custom kaso sobrang nakilatis ko rin yung series na yan sa paghahanap ko ng bagong kit.
Para sa presyo, solb na solb ka na sa Superstars. Ganda ng pagkagawa sa shells: bearing edges, finish, kahit yung kahoy na gamit (birch na may onting basswood) eh sobrang okay lahat. SOLID yung hardware: die cast hoops tapos naka-starcast pa. Yung mga issue ko lang sa Superstars eh di ko gusto ang mga available na finish (kahit maganda yung pagkagawa, ayaw ko lang talaga yung available options) tsaka ayaw ko itsura nung bridge lugs. In short, cosmetic lang ang mga shortcomings ng Superstar. Kaso kung sa tugtugan lang - maganda tunog, madali itono, durable yung hardware - wala ka nang hahanapin pa.
Kung ikumpara sa mga kit na ka-price range nito (yung mga 40-70k), maraming lamang ang Superstar. Mas maganda ang shells nito kesa sa Pearl Export; mas solid ang construction ng shells at ng hardware nito kesa sa Gretsch Catalina Maple. Kumpara sa Yamaha Stage Custom... ewan. Maganda ang tunog nun at mukhang solid yung drum itself kaso dubious lang talaga yung plastic na lugs nung Yamaha. Siguro ang competition lang ng Superstar pagdating sa magandang quality sa price range na yan eh yung mga mid-range series ng Mapex (Pro M tsaka M Birch), kaso di ako sigurado kasi di ko pa nakita ang mga yun ng personal (then again, ako itong nagbabalik bumili ng Black Panther hehe)