Gusto ko na gamitin ang doublepeds sa gig namin! Kaso hindi ko pa napa-practice ng maayos, at tingin ko rin hindi siya babagay sa mga alternative na kanta namin. Paano ko kaya ipapasok to?
Kanina pala dinala ko yung main pedal ng IC ko sa gig, pero di ko nilagay sa gym bag, andun pa rin siya sa case niya. Bale yung slave at yung rod e iniwan ko sa bahay. Yan, di na ako nabibigatan. Pero next time, doublepeds na talaga dapat!!!
Nag-mental note na rin pala ako sa sarili ko kanina: wag na palitan ang beater, gawing 3/4 tight ang tension ng spring para maka-fast doubles/triples.
Sabi ni Stewart Copeland at Joshua Eppard, pinapatay ng double pedal ang groove at feel. Tama ba? Pero nung narinig ko kung paano pinasok ni Carter Beauford yung double pedal sa groove niya, lapat naman.