ayan. napupunta ang ating usapan naman ngayon sa originality. ayos. hehe.
sa palagay ko, tayo ay nabubuhay na sa isang postmodernist world kung saan malabo na ang konseptong orihinal. kumbaga, tayo ay patuloy na nagrerepackage na lamang ng mga bagay na nagawa na sa nakalipas na 'orihinal' din. nagdadagdag. nagbabawas. at ang nagiging produkto nito ay tinuturing na nating "orihinal." pero orihinal nga ba?
depende rin kasi sa pakahulugan ng salitang 'orihinal'. at sa pagtingin ko sa salitang orihinal, ang orihinal ay puro. walang bahid ng impluwensiya mula sa isa pang hiwalay na likha. kaya gamit ang depinisyon na ito ng orihinal, sa palagay ko, wala nang orihinal talaga.
ang pagkaangkla rin ng OPM sa kanluraning impluwensiya ay hindi maiiwasan dahil unang una, sa mga instrumento pa lang na ginagamit, kanluraning impluwensiya na. mga gitara, tambol, synthesizer, at kung anu ano pa. siguro kung nasabayan nating naimbento ang electric kulintang sa electric guitar ng kanluran, malamang 'orihinal' tayo. (hehe, jowk lang.) tapos nandiyan pa ang konseptong Post Colonialist perspective, na hindi ko na tatalakayin dito dahil malamang murahin niya na ako. hehe.
pero kahit nga ang kulintang ay nate-trace ang roots mula sa mga instrumentong mero din sa mga karatig bansa natin sa Asya.
ayun.
PS
malupet talaga ang Pinikpikan. ay lab Carol Bello so mats. hehe. nagtuturo ata siya ng Music in Film sa UP Film Institute.