Anything Goes > Hobbies and Interests

Re: Motorcycle Riders *Merged*

<< < (4/226) > >>

marzi:
pucha din kasi base sa obserbasyon ko sa mga nagmomotor dito sa tin - HINDI MARUNONG MAG MENOR PAG TAWIRAN/PEDESTRIAN LANE/CROSS ROAD/BLIND SPOT

dito sa BGC minumura yung mga naka motor na pag traffic panay singit tapos naka arangkada pa din kahit pedestrian lane yung dinadaanan at may tumatawid na hindi kita dahil sa mga naka stop na kotse.

Boxedking:
Yun mga litrato sa itaas, yan ang kinahahantungan ng mga mahihilig magsisisingit at mang-cut.

Noong Sabado lang, may nang-cut sa aking nakamotor sa left side. Nag-overtake sya kahit solid yellow line (obviously hindi nya alam ano ibig sabihin ng ganun linya). Paarangkada ako nun kinain nya lane ko. Ayun, sumabit yun gag0 sa bumper ng oto ko. Umangat tuloy pero wala naman gasgas. Ang nasabi ko na lang, "Tang!na ang t@nga mo naman magmaneho ng motor!"

chipsdelight:

--- Quote from: sonicassault on October 29, 2015, 09:24:15 AM ---syempre walang common sense ang marami sa motorista natin. ang nasa isip lang nila pag gumagalaw, mas mabilis, unahan ang hindi gumagalaw. tapos lahat ng problema na nasosolusyonan ng sinasabi mo, lumalabas na.

actually hindi sya magiging problema kung may disiplina, sentido kumon, at pasensya tayong lahat. pero wala eh.

--- End quote ---
Minsan kapag nakakakita ako ng aksidente na halatang halatang may nagcut o may isang engot na sala sa linya, pag nakikita kong kalat ang dugo nung nagcut, naiisip ko na, "you get what you deserve, buti walang nasaktan na inosente dun sa nasa tama". Alam ko masama, pero hindi ko maiwasan dahil sa inis.

sonicassault:

--- Quote from: marzi on October 29, 2015, 09:51:33 AM ---pucha din kasi base sa obserbasyon ko sa mga nagmomotor dito sa tin - HINDI MARUNONG MAG MENOR PAG TAWIRAN/PEDESTRIAN LANE/CROSS ROAD/BLIND SPOT

dito sa BGC minumura yung mga naka motor na pag traffic panay singit tapos naka arangkada pa din kahit pedestrian lane yung dinadaanan at may tumatawid na hindi kita dahil sa mga naka stop na kotse.

--- End quote ---

totoo yan. actually hindi lang hindi nagmemenor, umaarangkada pa yan. kaya pansin mo yung mga yan pag may tumawid sa pedestrian lane que isang tao lang o puno ng tao, umaangat yung gulong sa likod. alam mong handa sumagasa ng tao eh.

tapos kunwari yung sisingit sa gitna ng lanes, aarangkada rin yan hindi pa titingin sa sides kung may kasalubong.

kaya ang bad rep ng mga bikers sa pinas eh dahil sa mga ganyan

marzi:

--- Quote from: sonicassault on October 29, 2015, 10:07:34 AM ---totoo yan. actually hindi lang hindi nagmemenor, umaarangkada pa yan. kaya pansin mo yung mga yan pag may tumawid sa pedestrian lane que isang tao lang o puno ng tao, umaangat yung gulong sa likod. alam mong handa sumagasa ng tao eh.

tapos kunwari yung sisingit sa gitna ng lanes, aarangkada rin yan hindi pa titingin sa sides kung may kasalubong.

kaya ang bad rep ng mga bikers sa pinas eh dahil sa mga ganyan

--- End quote ---

sa kanila nga ako natututo kung ano ang hindi ko dapat gawin e.

by January kukuha na ko ng motor o kotse(or both, lolz). madaming idle times sa office nun so may time na ko asikasuhin lisensya ko at pagkuha ng tormots.

salamat sa mga [chewbacca] sa kalsada, may basehan ako kung saan ako magpapahenyo pag ako na ang nasa manibela.

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

[*] Previous page

Go to full version