I started playing guitar when i was 12 or 13. Out of curiosity lang, until nagrow yung curiosity na yun to the point na gusto mo ng gumaling at matutunan lahat ng scale, chord at technique. Nung marunong na, you get the feeling na gusto mo ishare sa iba. Dadalhin mo sa school yung acoustic mo, kapag break time, kasama mo yung mga kabarkada mo na marunong din tumugtog, kakanta kayo ng Ehead, Parokya at Rivermaya, magugulat ka na lang na kumakanta na din yung ibang kaklase mo. Iba yung pakiramdam na masaya yung mga kasama dahil dun sa skill mo tumugtog.
Kaya bumuo ng banda nung highschool, tumugtog sa sankatutak na battle of the bands at school programs. Pagdating ng college, halos namatay na yung banda mo dahil busy na kayong lahat. Yung gitara at gamit mo inaalikabok na lang. Pero everytime na wala kang ginagawa, hawak mo pa din yung gitara mo. Tutugtog ka ng Eheads at Parokya, sasabayan mo pa ng kanta para masaya. Tanggal lahat ng pagod at stress kahit panandalian.
Pagbaba ng gitara, tuloy ang buhay. It's as simple as that. Music and playing is a passion. And do you know where it leads?
Self fulfillment.
Kapag tumutugtog ka na dahil
kailangan mo at di dahil
gusto mo. Oras na para tumigil.
In my case, bata pa naman ako eh. Aral muna, may oras para dyan. But i can never deny that music and playing flows in me and it makes me happy.