Ok ganito:
Kung 8 ohms ang rating ng head mo, pwede mo siyang ikabit sa cabinet na rated 8 ohms or higher. Sa madaling sabi, pwede kahit 16 ohms, pero hindi pwedeng 4.
Sa wattage naman, medyo ganun din. Kung 50 watts ang head mo, pwede mo siyang ikabit sa cab na equal or greater wattage rating. So pwedeng single 50 watt speaker, or 4x12 na total ng 240 watts.
Ang recommendation ng ibang site na nababasa ko, yung wattage ng amp head mo multiplied by the square root of two (approx. 1.4142...) yung minimum na speaker cabinet wattage na dapat mong iparis sa kanya. Yun daw yung difference ng RMS at peak wattage ng amp, para sure na hindi mo masira yung speaker kung itotodo mo yung volume ng amp.
Ex. 50 watt head x 1.4142 = 70.71 watts
Pero ang alam ko, may RMS at peak wattage ratings din ang speakers kaya hindi rin siguro masamang pantay lang yung wattage ng speaker at ng amp. Basta wag lang mas mababa yung sa speaker, masisira yun.