Habang nanonood kami ng isang gig last Friday, pinag-uusap namin ng bago kong kaibigan yung mga tumutugtog sa stage. Since drummer din siya, itinuro niya sakin yung drummer sa stage, tapos sabi niya "ayan ang signature move niya". Napansin ko nga, meron siyang isang pattern ng fill na ginagamit niya throughout the whole song.
Naalala ko yung mga contemporary heroes ko. Si Sammy Siegler ng Glassjaw gumagamit ng tuloy-tuloy na 8ths sa bass drum, si Joshua Eppard ng Coheed and Cambria mahilig gawin yung bass doubles sa fills, si Michael Tapper ng We Are Scientists e mahilig sa linear patterns na pang-dance at mga loop-oriented drumming.
Inisip ko rin kung ano naman yung akin. Naisip ko na mahilig ako magsimula ng bounce strokes sa snare tapos lipat sa hihats/toms na singles (octopus daw sabi ni Peeves hehe), at saka yung roll na may 6 strokes sa snare tapos isa sa rack tom tapos snare uli tapos crash. Hehe. Parang automatic na sakin mga yun.
Ano yung sa inyo?