naku salamat sir! dati kasi film slr lang gamit ko nung high school pa ko pero tagal na natigil mga mahigit 20 years na yata yun...
hehehe! halata na tuloy edad
kaso aga ko nag-asawa kaya eto napunta sa pag-aarreglo hindi ko na nabalikan photog... ngayon lang ako nagkaron nitong dslr tagal ko na pangarap 'to. yung ibang lumang sound modules ko ayun nasa for sale binabargain ko na pambili sana macro lens. ano po ma-recomend nyo na lens sir? sa pipho meron yata mura na sigma 70-300mm macro yata yun. kaso di mag-auto focus sa d40. siguro ok lang sanay naman ako sa manual tsaka pag sa macro halos di rin yata magamit af eh... nga pala sinubukan ko baliktarin lens old school trick ko sa slr kaso wala adapter hawak ko lang lens. eto sample pic...
yung upper portion lang na-crop dyan pero yung width hindi. wala pa rin external flash available light lang. 2 shots lang tapos lumipad na yan magkakalat na yata ng dengue