butiking palo, kailangan ba talaga ng brush kapag pumapalo ka? may mapapayo ka ba sa mga beginners na katulad ko sa pagkakahon? may certain technics ba sa pagpalo? tnx bro !!
Hindi naman kailangan ng brush. Mas malaya ang kamay mo kapag wala yun. Ginagamit ko lang yun pampukpok sa iba pang naka set up na gamit. May dagdag syang tunog kasi makakagawa ka ng parang "hihat" sounds. Parang metronome ko na din kasabay ng kaliwang paa ko.
Techniques naman...
Syempre nandyan na yung mga basics para maging maganda ang tunog mo with your group. Unang una yung Dynamics para sakin. Di naman pwedeng puro ikaw lang ang naririnig ng malakas diba. Tsaka certain parts of the song needs some stress or excitement. Mapapakinbangan talaga ang dynamics.
Tempo din mahalaga. Nung una ako sa drums and kahon, bumabagal at bumibilis ako. Learn to keep yourself sa time ng kanta. Drummers and percussionists are the "Time Keepers" sa banda. Kung feel na feel mo yung music, instead na bilisan mo, just feel the groove.
If you have time, aral ka ng drum rudiments, maaply din yun sa kahon. Makakatulong sa mga fills.
Creativity. Alam naman natin na mas konti ang mapoproduce mong tunog sa kahon, learn to improvise. Use your hands, madaming pwedeng gawing tunog ang kamay sa kahon.
Last na to. Practice. Wala naman sigurong pinanganak na magaling na agad. Sa lahat ng bagay yan. Natututunan lahat basta gusto mo.
Good luck bro!
Kung may hindi pa ko nasabi, madami ditong makaka alala nun tulad ni Deej. Mas marami na syang experience kaysa sakin.