playing open handed doesnt really present an advantage even for ambidextrous people like me
even if i can lead with either hands, i've been training myself to play right handed coz
a. that's the way the other guy does it
b. dont want to change setup everytime you play with somebody else's kit
c. difficult to translate stickings
b. i can eat right handed with a spoon and fork, left hand if using one utensil (chop sticks too) but its too damn confusing for me if you give me a fork and a knife.
sooo i still play right handed up to now, i started playing open handed three months ago but its driving me crazy. i found that its more of a practice for mental conditioning and telling yourself to break a habit than physical training. well i skipped the physical training part since i dont have to develop weak limbs
Thanks for your uncommon response bro!
Medyo ipaliwanag ko lang ng konti pa at iba base ko sa sarili kong experience.
Para na din sa ibang drummers na maaaring magka interes dito,SPECIALLY DUN SA MGA LEFT-HANDED DRUMMERS na hindi magkanda ugaga sa common drumkit set-up! (actually,open ko sana 'to as another topic,pero dito ko na lang i post)
"Natural Evolution"
Basically, Right handed talaga ako sa halos lahat ng bagay.Sa pag susulat,paghawak ng mga tools,etc.
Natuto lang akong maging left-handed sa drums kasi talagang self-taught ako,at gamit kong drumkit ay improvised na mga plastic container (galon) na nka mount sa mga paa ng maliit na lamesang binaligtad...Walang "kick drum" yun. Bale "floor toms" lang ang pinaka bass (pinakamababang pitch ng "galon kit" ko)
So kamay din ang kelangang gamitin ko para sa tunog ng bass drum!
Consequently,pipili ako ng isang kamay na hindi gaanong busy pang alternate sa "kick". Obvious nman na yung kamay sa snare ang hindi masyadong busy,so sya ang ginamit ko.
Ngayon,alternate ang right hand ko sa galong snare at bass.Tuloy tuloy nman yung left hand sa hi-hat na tansan...Sa ganitong sitwasyon,hindi ako pwedeng mag cross-arm.
Dumating yung point na totoong drumset ang ginagamit ko (actually,sa utol ng guitarist yung kit, nakikisingit lang ako!)
At dahil determinado akong maging drummer/musikero,kelangang makipagsabayan ako sa guitarista!
Metallica ang trip nya,sa utol nya yung drums...gusto ko mag banda....so hindi pwede si **Ringo Starr dun!
Eto na! Popondohin(iko-cover) namin yung "Frayed Ends of Sanity" ng Metallica! Tsaka yung walang kamatayang "Blackened"!!.....Buti na lang open-handed ako kaya ok lang yung intro ng "Frayed Ends"... Tapos yung Blackened na nakakapagod ang bilis ng Hi-hats! Dito ko na aaplay ang ambidextrous playing! Pag pagod si Kaliwa sa hihats,kanan naman gagamitin ko!
Kahit sa mga compositions namin noon,pag mabilis ang palo sa hi-hat sa mga stanza,napapahinga ko yung left hand ko pagdating sa bridge o chorus ng kanta kasi right hand naman ang pinang r-ride ko.
Ngayon, dahil siguro nag mature na ako as a musician,medyo Jazz fusion at World Music naman ang venture ko...Reggae, Afro-cuban,Brazilian,New Orleans,Afro-beat,Tahitian,etc...DITO! Dito sa mga tipo ng tugtog na ito ko nakikita ang advantage ng Open-Hand playing at pagiging Ambidextrous..Dito ko din unti unting nadidiscover ang sarili kong tunog at style.Kasi Originally,iba't-ibang percussion instruments ang mga nilalaman nito. Ako,at Ikaw na tumutugtog ng drumkit ang may kalayaang mag interpret ng bawat instrumentong bumubuo nito!....Dito natin hinuhubog ang sarili natin bilang isang "Artist"- Thru effective interpretation and application of these styles in various musical genre.
Advantage talaga dito ang open-handed at Ambidextrous.
Napansin nyo bang mas magaling ang mga basketball player na ambidextrous kesa dribble at shoot lang using only one of his limbs?!?
Yeah Man!
**Check nyo yung post ko under "MURANG DRUMS" ni Marko.