Bumili ako ng Zoom G3X, tapos tinry ko yung audio interface, para makapagrecord sa PC.
Ganito ang connection ko:
Guitar - > input ng G3X
Headphone - > line out (mono/phones) ng G3X
tapos USB - G3X to PC
Hindi nga pala Zoom G Series ASIO Driver yung ginamit kong ASIO driver kasi nung ininstall ko ayaw mainstall nag e-error, kaya nagdownload ako ng iba, yung ASIO4All v2.11 o latest version para yun nalang yung gamitin kong ASIO driver. Btw, ang DAW na gamit ko pala ay yung kasama na sa G3X, yung Sequel LE3, inedit ko yung settings tapos sinet ko yung "Audio Connection" sa ASIO4All kasi nga wala ako nung G Series ASIO. Yung okay na lahat ng connection, nung naggigitara na ako, naririnig ko naman yung tunog ng gitara sa headphones, kahit na may effect pa. Ang problema, nung nagrecord na ako sa Sequel, walang narerecord na tunog. Tinaasan ko yung recording volume nung track, ginawa kong 100 wala pa rin tunog. Tapos chineck ko yung settings sa "Recording devices" at "Playback devices" ng PC. Sa playback devices, naka check yung "Speakers Realtek High Definition Audio" at siya yung default device, sa tingin ko lang wala atang problema rito kasi naririnig ko naman yung tunog nung ginigitara ko. Tapos sa "Recording devices" naman, may tatlong device doon. 1) Microphone 2) Line In 3) Stereo Mix, lahat sila Realtek High Definition Audio, nung una hindi naka-ready yung microphone at line in, at nakalagay "not plugged-in" pero yung stereo mix okay naman. Kinalikot ko lang konti yung saksakan ng speaker sa likod tapos nagkaroon na ng "ready" yung microphone at line in, kumbaga parang okay na. Tapos sinet ko as default device yung line in. Tapos nun, tinry ko ulit magrecord wala pa ring narerecord na tunog, pero naririnig ko yung tinutugtog ko. Ano po kaya ang problema nito mga sir? Sa Line-In ba kaya walang narerecord? Patulong naman mga sir, maraming salamat.
Note: Actually, sa manual ng G3X at sa section ng Sequel LE, ang sabi ng isang instruction
"Bring up the 'Sound' window from the Control Panel and make the input device setting for the computer." Tapos may picture sa manual na dun sa Playback device, ang nakalagay dun sa example ay
"Speaker
6 - Zoom G Series Audio
Default Device"
tapos sa recording devices naman
"Zoom Recording Mixer
6 - Zoom G Series Audio
Default Device"
sa tingin ko lang, dapat ata sa akin ang nakalagay ay ASIO4All kesa sa Realtek High Definition Audio, di ko talaga alam wala akong ideya. Di kasi nainstall yung Zoom G Series ASIO Driver kaya maaaring dapat ASIO4All ata, patulong naman mga sir. salamat.