mag kano ba mag set up ng saltwater aquarium? nag inquire kami sa fish depot 1k daw per gallon fair price naba yun? saka kasama na kaya dun yung mga filter etc. na mga gagamitin. salt tester etc. di muna namin tinuloy yung pag inquire parang hassle kasi and 1st time lang namin mag saltwater sana and ang ending nag dagdag aso nalang kami (shih tzu, and yorkshire terrier soon)
sayang kasi yung aquarium dito nung dati naming arwana nakatambak lang. btw. almost 12years old na yung arwana namin nung namatay bata pa ko nun
binibili sya samin 15k pero di namin binenta. ayun namatay sya nabulunan sa buong galunggong
kumakain sya ng buong sisiw na buhay, pugo na malaki or maliit buhay nakakain nya ng buo pati mga dagang costa
dun lang talaga sya sa galunggong nadali eh actually kaya nya naman. tagal nya na kumakain ng buong galunggong 1 time lang talaga nabulunan sya kaya namatay
and mag kano ba mga presyuhan nung mga saltwater fish? (clownfish or yung mga cast sa finding nemo yung makukulay)