Same here. From Highstreet to Imus Cavite, more or less 45 minutes via C5>SLEX>MCX>Daanghari>Aguinaldo hiway kapag swabehan ang takbo.
EDIT: Nasa motorcycle thread pala tayo hehe. Nakatsikot yung travel time ko.
talo ako sa kotse hehehe.
sinubukan ko one week kotse dala ko.
1st day: alis ako ng 5am for the 7am shift. sa kapal ng traffic at haba ng mga choke points, 730am ako nakarating sa ofis.
2nd day: alis ako ng 430am hoping na di ko aabutan yung build up. tama naman ako at maluwag ang kalsada nun. arrived 30mins early for my shift.
3rd to 4th day: 430am or earlier na mga alis ko.
then i realized na yung gastos ko ay sobra sobra kasi:
parking: wala ng slots na free parking yung company namin sa dun sa building. i park outside and pay Php250 per day dun sa napakalayong parking space na may murang fee.
gas: di na nga ako nag-aircon, ang average fuel cost ko ay Php170 per day. balikan na.
stress: didnt say it pero the early morning drive is less traffic but it poses other risks - huge trucks that dont mind eating a portion of the opposite lane kahit diretso kalsada maka-overtake lang, jeep na hindi tumitingin sa side mirror yung driver at bigla na lang kakabig kasi trip nya, mga taong bigla na lang sumusulpot at iniisip siguro na madaling araw naman so walang masyadong byaheng sasakyan, etc. pucha pagdating mo ng ofis sabog ka na sa pagka badtrip.
pamasahe ko sa commute eh Php150 per day lang all in. pag nakasakay ako ng maayos at nakapwesto ng maayos, masarap pa tulog ko. pero wala akong control sa hinto at abante ng commute. pag may papara, hihinto. pag inabutan ng traffic, malas.
in my almost 3months ng pagmamaneho ng motor, isang beses lang ako na-stress. nasita ako ng enforcer sa pasig kasi sa sobrang bilis ko, na overshoot ako sa yellow box. kinumpronta ako ng enforcer, threatening to issue a ticket. napakiusapan ko na lang na mali ko talaga at hindi ko nakitang stop kami dahil ang lalaki ng trucks na nasa kaliwa ko(nasa bike lane ako at patawid sa kabila). buti di nag issue ng ticket. other than that, sobrang chill ng drive ko araw araw. i have learned filtering pero pang oldie style pa rin, ingat na ingat at lulusot lang pag maluwag. minsan tinatamad ako magsisingit, sumabay ako sa traffic. likod ako ng mga sasakyan. may sumita sakin na nagmomotor tanong kung baguhan daw ba ako, tumango na lang ako para di na mag angas. pakialam ko ba. gusto ko lang makauwi e.
laking plus din sakin nung bawas sa gastos ko.
gas consumption per week - Php250
parking fee: 100 for two days(minsan kasi may nagpark na kotse sa slot namin so sa St Lukes ako nagpark. Php50 flat rate and for two days yung budget ko)