Meron akong Takamine D Series na acoustic guitar for more than 5 years na din to, may question lang ako hindi ko kasi alam kung issue ba to or natural lang talaga kasi based sa research ko hindi ata talaga.
Dati kasi mababa lang ang action ng guitar ko tapos biglang tumaas kaya pinaset-up ko, pinababa yung saddles at pina-adjust lahat para bumaba yung action at na-ayos naman. Then after ilang years ulit tumaas nanaman at hindi na talaga kaya ibaba through truss rod or other ways then nag-research ako at nalaman ko na dapat daw totally flat ang top ng acoustic guitar according to the forums. So sinukat ko through flat bar at ayon hindi flat, nagseesaw yung flat bar sa body bandang bridge at nung sinipat ko umalsa nga yung wood. At tingin ko yun ang cause ng mataas na action.
Question:
1. Talaga bang dapat flat ang lahat ng top body ng acoustic guitar or normal lang yung medyo umalsa yung kahoy? (Kasi kanina kakagaling ko lang sa music source at may bibebenta silang james neligan na acoustic guitar na sobrang lobo yung body pero hindi masyadong mataas yung action, at sabi nung mga tao dun normal lang daw yun.) ano ba talaga yung totoo?
2. If ever hindi normal yun at sira talaga yun, ma-aayos pa ba yun?
Maraming salamat sa inyong opinion at sagot sa tanong.
As requested eto yung picture:
As you can see hindi lapat yung steel ruler sa top.