1. bili ka ng fiberglass screen sa handyman, true value or ace
2. hanap ka ng old heads tapos tanggalin mo yung film nung head yung cutter
3. gupit ka ng 2 sheets nung fiberglass screen tapos pagpatungin mo sila at ipatong mo sa ibabaw nila yung ring nung old head
4. patong mo sila sa shell para matantya mo yung allowance ng tatahian mo
5. tahiin mo yung screen
6. putulin mo yung excess screen
yun lang
sabihin mo FIBERGLASS ha,wag yung regular nylon or aluminum. 45 pesos lang per meter yun. 2 layers per head, do the math on how many you need