5 kami sa banda dati: lead guitar, rhythm guitar, bass, drums, at vocalist. Angsaya namin noon. Laging may laughtrip at foodtrip bawat practice session. Bilang nagsisimula palang, syempre puro cover songs. Mula sa pagcocover, dinedevelop namin ang playing skills namin individually, at as a band. Nakasali sa ilang battle of the bands, may napapanalunan, syempre meron ding mga olats pero ok lang, masaya naman kaming nakatugtog. Andyan din ang mga gigs, na kailangan lang namin magbenta ng tickets para makasali sa line up. Sa mga kaibigan lang din namin binebenta. para nadin mapanood nila kami. haha
After 1 year, medyo nagiging busy na sa school. College kaming lahat noon. Nababawasan na ang sessions namin. Saktong eto ang time na nagsisimula na kami magcompose ng sarili naming kanta. Nakabuo naman kami ng 1 kanta, at marami pang nakaimbak na riffs at melodies na naghihintay lang na may madugtungan para maging buong kanta narin.
Kahit medyo busy na kami, mukhang ok parin ang pinatutunguhan nung banda. So tina-try padin namin paglaanan ng oras. Until one day...
Nagmigrate si rhythm guitarist sa ibang bansa. Ayaw sana namin na 4 lang kami sa lineup, kasi swak sa 2 gitarista ang mga kanta namin. Pwede naman gawan ng paraan na 1 gitara lang, pero iba parin talaga ang dating ng tunog kapag kumpleto. Hindi pa naman kaya punan ng vocalist namin ang guitar parts ni rhythm guitarist. At mas maganda talaga kung walang gitara si vocalist, mas nakakagalaw sa stage (malikot yun, parang autistic. haha). Tinry namin kumuha ng kapalit. Nakasali pa kami sa isang battle of the bands. Pero after noon, wala na. Parang laging masyadong busy sa ibang bagay yung nakuha naming kapalit, so mahirap ang schedule. At syempre, iba parin yung original line up.
In the end, disband.
<insert MMK piano sound here
>
hahaha
Ayun, nagpatuloy kami sa kani-kaniyang buhay. Si rhythm guitarist, pinagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa. Ngayon, licensed nurse na at nagtatrabaho na doon. Si drummer, di nakapagpatuloy ng college at nagtrabaho na agad noon dahil kailangan. Si vocalist, college grad at nagtatrabaho na ngayon. Si bassist, licensed pharmacist na. BTW, babae si bassist. Nagkatuluyan sila ni vocalist. Kasal na sila ngayon at may baby na sila
. Ako, engineer na at nagtatrabaho... at recently, sinusubukang magbalik-loob sa paggigitara. Balik-noob ulit, mukang di kakayanin ng 1 litrong WD40 ang pangangalawang ko. haha. Ang mahalaga, buhay parin ang passion for music kahit ibang karera na ang pinasok... Ang masama, unti-unti na ko nakakaramdam ng sintomas ng GAS. hahaha