Hello Guys! Nag open ako ng topic sa "The Bass Place" about what makes a good drummer.Dami replies.Dami din tayo mapupulot na tips dun kung ano ang ine expect nila sa mga drummer! Mga do's and Dont's.Check it out! Pero bago yan...
Ngayon tayo naman ang magsabi ng opinions natin kung ano ang ineexpect natin sa mga bahista,at kung ano ang ayaw natin....
Simulan ko na!
Dahil tayong mga drummer ang time keeper ng banda,gusto ko naman sa bahista yung marunong "lumaro" within the time,
MALAKAS ang pakiramdam,at nakaka appreciate ng accented at unaccented notes.
Mahalaga din para sa akin yung space.Hindi sa lahat ng bilang may kalabit.At syempre may latin at funk flavor ang style nya,lalo na pag improvisation ang tugtugan!
Pag cover songs,I dont mind kung sumablay sya.Basta't plakado ko yung tugtog,sa gitarista ako mag dedepend.Pero minsan kelangang sabayan ko sya kahit mag iba ang feel ng tugtugan,kesa naman magkalayo kami ng bagsakan.
Kayo naman!