TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

The Music Forums => Free-for-all Artists forum => Topic started by: Johnny R. on January 23, 2013, 09:55:42 AM

Title: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: Johnny R. on January 23, 2013, 09:55:42 AM
Based on experience maraming ganito eh. Kung interesado kayo sa topic, reply naman mga pre. May mga ideas ako regarding this. Thanks!
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: bisckye on March 20, 2013, 05:41:05 AM
ako marunong tumugtog  pero di marunong mag sulat ng sariling kanta, kasi alam ko na kulang pa ako ng kaalaman sa music, madami pa ako kailangan malaman, at kailangan din siguro ma-appreciate ang ibat-ibang genre ng music para mas maging mature ka at mas maging open minded ewan ko pero tingin ko ganyan yun hehe  :-D
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: ytse_neil on March 20, 2013, 05:51:57 AM
Ako marunong tumugtog, pero pagdating na sa composition hanggang riffs lang kaya ko i-contribute sa banda.. Di kasi ako ganun ka-confident pag dating sa mga sinusulat ko.. Kahit love song or metal yung theme ng gagawin kong lyrics parang ang corny basahin..  :)
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: Santo Muerte on March 20, 2013, 11:16:44 AM
Mas prefer ko pa yung marunong lang ng iilang chords pero mahilig mag-compose kaysa sa shredder na puro cover lang ang alam.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: lennon12 on March 21, 2013, 09:29:01 AM


actually.. ganun naman talaga sa umpisa...

mauuna ka tumugtog ng kanta ng iba bago makabuo ng sarili mo...


matutunan mo magsulat ng kanta kapag may naexperience ka na tatatak sa utak mo...

or may mababasa ka na libro (any reading materials) na magagandahan ka at ma-iinspire ka na gawan ng kanta...

anything.. everything.. 

pwedeng gawan ng kanta  :)
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: enzsong on April 03, 2013, 09:54:54 PM
Mas prefer ko pa yung marunong lang ng iilang chords pero mahilig mag-compose kaysa sa shredder na puro cover lang ang alam.
sir pasabay po +1....
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: ysei on April 04, 2013, 03:19:15 PM
Sa lahat ng mga naisulat kong kanta, karamihan walang 2nd stanza, bridge, refrain.
Either kunukulang sa inspiration or naubusan na ng idea.  :lol:

Seriously, pag sumulat ako, 1st stanza hanggang chorus lang talaga natatapos ko. I don't know why  :cry:
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: oklahoma on April 13, 2013, 11:45:37 PM
marunong ako bumuo ng kanta, sa isip/imagination.. marami akong ideas.. kaso hindi ko kayang tugtugin lahat kasi basics lang alam ko sa gitara..
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: iplaydrums4u on April 16, 2013, 08:32:46 PM
ako saktong gitara lang,(wala akong alam sa scales bukod sa major at pentatonic dahil drummer talaga ako :)) ) i'vre written songs pero mostly di tapos dahil pakiramdam ko laging may kulang at limited pa din kasi alam ko sa theory, basta kung anong maganda ang tunog para sa akin na riffs, yun lang ang sinusundan ko.  :-D
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: japaniman23 on May 14, 2013, 02:21:49 AM
nag gitara ako, nagshift sa drums, shifted to bass, my alam onti sa keys. pero everytime na susulat ako ng kanta parang laging pangit un dulo.
I mean susulat ako ng kanta na masaya pero in d end parang laging love song. hehe. ayaw ata talaga sakin ng pagsulat ng kanta.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: blueberry on May 14, 2013, 03:54:24 PM
Playing an instrument is a Gift. And songwriter is a different gift.

Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: rickbig41 on May 14, 2013, 04:01:03 PM
nakakaplay ako ng mga riffs, pero about sa composition, nag try na ako mga compose nung bata ako, sad to say, nagiging katono nang mga ibang kanta...hahahahahha... :lol: kaya di na ako sumubok ulit...
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: harusameku on May 14, 2013, 04:08:54 PM
madami akong kakilalang ganito hehe kadalasan itong mga to pa yung mas mayabang keysa dun sa nagtatry magsulat ng kanta,ang dami nilang dahilan kesyo daw wala pa daw silang manager, kesyo daw hindi pa daw sila professional para mag compost ng kanta haha, hihintayin pa ba nila yun? haha ayaw nilang magtry.. ang hindi nila alam dun din nag umpisa yung mga iniidulo nilang banda ahahaha trip trip lang din sa umpisa... no offense sa tatamaan..  :idea:   8-) 8-)
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: gandydancer123 on May 14, 2013, 04:11:37 PM
Sa lahat ng mga naisulat kong kanta, karamihan walang 2nd stanza, bridge, refrain.
Either kunukulang sa inspiration or naubusan na ng idea.  :lol:

Seriously, pag sumulat ako, 1st stanza hanggang chorus lang talaga natatapos ko. I don't know why  :cry:

hahaha pareho tayo!!hahahathough matagal na akong di nakakapagsulat..
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: sonikyut on May 14, 2013, 04:33:11 PM
regarding sa thread title..mostly ang pasok dito mga nagsisimula pa lang mag-aral ng gitara...pero may mga mangilan-ngilan na tumanda na sa pagigitara na puro cover pa din ang pinag-gagawa...

Mas prefer ko pa yung marunong lang ng iilang chords pero mahilig mag-compose kaysa sa shredder na puro cover lang ang alam.

+1
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: marzi on May 15, 2013, 12:36:03 AM
ever heard of the word "collaboration"?

basta kinulang ka sa idea, humingi ka ng tulong sa iba. kung bitin ang sinusulat mo, humingi ka ng payo sa kabanda mo o sa ibang tao. baka may magaganda syang idea at lyrics na pedeng ipasok sa kanta.

kung bakit kasi andaming nahihiyang ipakita yung mga gawa nila sa iba diba?

minsan mas maganda pa yung nauna ang lyrics bago nilagyan ng tono eh.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: iplaydrums4u on May 15, 2013, 07:24:33 AM
ever heard of the word "collaboration"?

basta kinulang ka sa idea, humingi ka ng tulong sa iba. kung bitin ang sinusulat mo, humingi ka ng payo sa kabanda mo o sa ibang tao. baka may magaganda syang idea at lyrics na pedeng ipasok sa kanta.

kung bakit kasi andaming nahihiyang ipakita yung mga gawa nila sa iba diba?

minsan mas maganda pa yung nauna ang lyrics bago nilagyan ng tono eh.

tama! kaya mas maganda kung may banda ka. sa banda namin, kahit may mga kanta na isang tao lang sumulat, mas  masaya sumulat ng kanta nang sama sama hehe
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: qroon on May 16, 2013, 02:40:27 AM
ever heard of the word "collaboration"?

This.

I have written a few songs pero iba talaga pag may kabatuhan ka ng idea. I miss having a band. May inputs kasi ang mga kabanda, mapa-areglo or sa lyrics. Sa ngayon puro ako rough drafts. Well, sometimes may input si misis (from the perspective of a music enthusiast naman).
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: mikki_blinkme on May 16, 2013, 10:23:07 AM
hanggang ngayon panay instrumental lang talaga ako. pero pagmay words at vocal melodies inspirasyon ko lagi kasing tipid ng lyrics at music ng "school" ng nirvana. panay random thoughts lang yung lyrics.  :idea: trying hard songwriter here  :lol: pag instrumental ba di ba hanay sa songwriting?
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: harusameku on May 16, 2013, 10:26:34 AM
hanggang ngayon panay instrumental lang talaga ako. pero pagmay words at vocal melodies inspirasyon ko lagi kasing tipid ng lyrics at music ng "school" ng nirvana. panay random thoughts lang yung lyrics.  :idea: trying hard songwriter here  :lol: pag instrumental ba di ba hanay sa songwriting?

hehe mas type ko nga yung mga instrumental na kanta kagaya ng Price of Freedom ng Crisis core hehe scar of time ng chronic cross saka yung one wing angel ni sepheroth  :idea: kaya yung mga nagagawa kong riff hindi ko muna nilalagyan ng lyrics haha dinadama ko muna yung bigat haha
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: SummerChan on July 30, 2013, 03:43:58 AM
Hindi naman ako ganon kagaling gumawa at wala pa naman talaga kaming pormal na nailalabas, siguro magandang ingredients lang e yung inspirations, pagmamahal mo sa music, siguro yung pagiging excited mo sa ginagawa mo at imaginations :D kasi para SAKIN lang, pag nakagawa ka naman ng compositions mo merong mga taong magagandahan at meron namang hindi. basta tiwala lang sa ginagawa tsaka siguro hindi naman kailangan sobrang ganda agad ng ginawa o sobrang hirap at ng riffs o drum pattern non o kung ano pa man :D yihiee PEACE LANG HO! :D
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: half_empty on August 02, 2013, 09:41:50 AM
writing lyrics is my weakness.  :cry:

music,arrangements,melodies,fill ins pisa cake  :idea:
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: Helmet on October 18, 2013, 02:46:45 PM
Ako puro half-baked laman ng hard drive ko, pero meron namang pangilan ngilan na buo.
Naka 30 creations na yata ako, biruin nyo, tatlong albums na sana yon!
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: half_empty on November 01, 2013, 11:53:10 AM
Ganito ako, hard for me to write, hirap mgisip, pero kung music, arrangements, easy for me..  :-D
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: mbsunga on November 09, 2013, 07:43:40 AM
Ako din, madali for me gumawa ng song with melody riffs solos etc pero lahat wala ng lyrics.
If ever may nabubuo ako sobrang simple ng lyrics at parang galing sa ibat ibang kanta, parang walang original na naisip ko talaga. Hirap talaga maghanap ng inspirasyon magsulat ng gandang lyrics.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: the_godfather on December 03, 2013, 11:20:29 PM
dati ganito rin ako. pero eventually, sa kakasubok at kakasubok din siguro, natuto na ko sumulat. minsan nirereject yung sariling kanta pag napangitan. hahaha
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: IncX on December 04, 2013, 01:23:28 AM
marami ding magaling magsulat ng kanta pero di marunong tumugtog ...
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: qroon on December 04, 2013, 05:40:24 AM
marami ding magaling magsulat ng kanta pero di marunong tumugtog ...

This. Yung mga may idea ng arrangement at melodies pero nahihirapang i-translate into notes and chords.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: d0ma85 on December 08, 2013, 09:13:43 AM
I heard rico blanco in an interview once. He said sulat lang ng sulat ng kanta, and out of mga 20 or something na nacompose, sigurado may mabububo ka na isa or dalwa na maganda.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: simon_divitico on January 01, 2014, 03:15:46 AM
Guilty rin ako dito, although di ko pa napagtutuunan ng matinding attention ang pagcompose pero maseffective ako sa melody section...
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: chazkidlat on June 16, 2014, 07:15:53 PM
nag aaral ng post rock, chords nakaka arrange ng songs. pero di makasulat. :( simula grade 5 ako di ako marunong gumawa ng love letter. nauubos kakapunit yung notebook ko.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: nicoyow on June 17, 2014, 01:40:34 AM
marami ding magaling magsulat ng kanta pero di marunong tumugtog ...
pde sila sa poetry :D


OT: ask lang ako, how to start writing a jingle song for a company? pano magpatong ng music? kelangan ba mauna ang music bago ang lyrics or vice versa?
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: chazkidlat on June 17, 2014, 05:27:43 PM
This. Yung mga may idea ng arrangement at melodies pero nahihirapang i-translate into notes and chords.


e.g; Joey De Leon   > VST & Co.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: tipipeski on June 18, 2014, 10:14:07 AM
If i'm with my Close friends, we can easily make a song in less than 2 hours.

kumpleto.. basic chords, melody,
so far, 2 pa lang nacocompose namin.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: vinceparil on January 10, 2015, 01:39:45 AM
Marunong ako tumugtog, palpak pag gumawa ng lyrics! :lol:  natatawa ako nung mga gawa ko nung HS ako pag binabasa ko uli ang mga iyon.

Pag gagawa naman ng song, naiimagine ko yung mga notes, mga sound, nakakaisip ako ng mga progression pero ang problem naman naka sakay ako sa jeep, bus, school, or mall. Wrong timing paminsan minsan  :cry:
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: jm the mute on February 04, 2015, 01:47:33 PM
I find this impossible...marunong din siguro magsulat, di lang ganun kagaling (now that is subjective)
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: RecklezlyEdward on February 16, 2015, 01:13:31 PM
Marunong ako mag cover  at magsulat , ang problema nga lang is mediocre and recycled riffs and overused melodies na, common GDEmC progression tsu tsu

need new materials, inspirations and creativity !
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: generage on February 20, 2015, 04:07:52 AM
Some people are born to teach, some made themselves teacher, lawyer, doctor etc. some have a beautiful singing voice, meron din namang ipinanganak para makinig lang. Pero meron ding ipinanganak para sumulat ng magaganda at makatuturang awitin at liriko.      Of course we can try... pero minsan magtatapos tayo na gaya-gaya lang o "katunog ni" but that's OK, (remember 12 melody notes). Let's not expect na lang too much, Its unfair for us.. you know.

OK lang naman kung pang personal kaso tingnan din nating mabuti, baka kasi sa kakapilit natin, maka dagdag lang tayo sa mga gumagawa ng pampasakit ng ulo at hindi naman musika,
anyway let's enjoy playing music na lang.
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: sonicassault on March 13, 2015, 12:41:58 PM
Di ako magaling sumulat from scratch, pero kung kunwari may song idea or complete song na yung kabanda ko, nagagawan ko ng mas magandang areglo, minsan mas ok na lyrics (suggestion lang naman kasi di ako ang nagsulat). Siguro mas pang producer yung gamay ko kaysa purely song writing  or purely playing lang (di ako magaling tumugtog haha).
Title: Re: Marunong tumugtog pero di marunong magsulat ng kanta
Post by: LaXter on July 23, 2015, 04:23:16 PM
Nagtry akong magcompose nun para sa girlfriend ko  :lol: kaso hanggang music lang ako,  d ko tlaga magawa yung lyrics, kahit anung pilit kong pigain para gumanda yung words wala...

Ngayon, marami akong dinownload na backing tracks an ginagamit ko pagmaypinag-aaralan akong style kaso pagnag-iimprovise na, walang lumalabas na maganda, pero kung nagttravel ako at tyempo natugtog yung track sa mp3 madami akong naiisip na legit melodies yung hindi lang basta blur ng notes. gusto ko sanang itake note( as if kaya  :eek:) naiinspire ako pag ganun, kaso pagkauwi ng bahay nakakalimutan ko rin. at actually, dito nanggagaling mga licks na usual kong gamit  :-D