depende sa amp yan. ang ibig sabihin pala ng flat, walang boosted or cut sa EQ ng amp. bale sa G2, yan yung naka-zero lahat ng EQ at Extra EQ. sa amp ko, ang flat 5 lahat ng bass, mid, treble. sa ibang amp gaya ng marshall valvestate, alam ko ang flat nun ay naka-zero naman lahat.
mahirap i-explain yung scooped at boosted mids hehehe. kelangan madinig para ma-explain.
ganito na lang, sumubok ka ng kahit anong preamp sa G2.. kunyari yung MD. i-set mo na zero yung ibang EQ, tapos isagad mo yung middle. yan yung example ng boosted mids. extreme example nga lang. pag nag-todo cut ka naman, -12db?? di ko maalala yung extreme settings.. pansin mo na mas bumigat pang metal, parang metallica, pero lubog yung tunog. yun naman yung scooped mids.
ang magandang gawin, i-train mo yung tenga mo, pili ka ng favorite preamp mo, sakin yung BG. tapos lahat ng eq, bass, lo mid, mid, treble, pres, harm, i-todo boost at cut mo ng isa-isa. this way, malalaman mo kung ano nagagawa per band. kunyari kulang sa tinis, alam mo na treble or presence ang idadagdag.
lahat ata ng G series china made na, axedry.