hulika

Author Topic: Healthy Gaming  (Read 1423 times)

Offline V.I.O.L.I.N.S

  • Forum Fanatic
  • ****
Healthy Gaming
« on: December 20, 2007, 12:04:01 PM »
usap tayo ng usap about what games kicks arse, what games are a waste of money pero na-try na ba nating isipin kung ano ang ibig sabihin ng Healthy Gaming!?

medyo may pagka-holistic ang gusto kong iparating kasi... una, if you'll try to visit online communities of some games, maraming taong ang nagrereklamo sa gaming ng mga pinoy. SAWSAW or kill stealer. napaka-prevalent nito. sila na yung sawsaw, sila pa yung galit pag sinita mo. isa pa yung mga naniningil bago i-buff ang isang player.

pangalawa, parang kabute na nagsusulputan ang mga online games, karamihan e galing pa ng s.korea. hindi na sya ma-control. tsaka walang limit sa age. kahit anong edad, pinapayagang maglaro. nakakalungkot. minsan mas masaya pa nung panahon ng family computer. one hit, you're dead. tapos di ka talaga tatagal ng 24 hours sa paglalaro.

pangatlo, grinding. sobra! inaadik nila masyado. napag-daanan ko 'to. grabe. pinagsisihan ko.

panghuli, nagiging top priority na to ng ibang kabataan. marami nang relationships ang nasisira dahil sa sobrang gaming; suntukan, pikunan dahil inulam sa dota o kaya naman e na-scam ng merchant sa prontera.

gets n'yo. siguro magandang opportunity din to para sa mga gamers natin ngayon na sabihin natin sa kanila na hindi dapat umiikot ang buhay nila sa games. yun lang po.

healthy discussion po sana tayo. :)

Chris Redfield and Jill Valentine
RE5(Mercenaries) Player

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Healthy Gaming
« Reply #1 on: December 20, 2007, 04:31:08 PM »
mga players namin sa shop namin dati mga healthy gamers...from CS to Starcraft to Ragnarok iba iba naglalaro...may kanya kanya silang group pag pumupunta samin...at ang pinaka unang rule ko pag naglalaro na sila: Pwede ang trashtalk pero bawal ang pikon...

naglalaban laban sila sa CS pero pag may dumayo sila sila ang magkakampi kasi alam na nila ang 'play' ng mga kasama nila eh...tapos pag ragnarok sila sila din ang magkakasama sa guild para scam free at libre hiram ng items...

pansin ko nga, kahit magkakaiba sila ng school(usually sa angono magkakalaban ang mga schools eh)na pinanggalingan eh nagiging magkakaibigan parin sila pagdating sa pc games...
I turned myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis