hulika

Author Topic: Lahat ng pagod namin,inaalay namin sa ERASERHEADS.  (Read 2072 times)

Offline jorniwantwar

  • Senior Member
  • ***
Lahat ng pagod namin,inaalay namin sa ERASERHEADS.
« on: August 31, 2008, 02:24:22 AM »
Our Eraserheads Reunion Concert Experience

wala talagang pera ang banda namin ngayon kaya sobrang tight yung budget.can;t afford din namin bumili ng ticket.kaya ang ginawa namin, ako lang ang nagbayad sa jeep,sumabit sila (papunta pa lang ng the fort).tapos wala na rin kaming pang-kain,kaya hilo na rin kami sa gutom pati uhaw. tapos,pumwesto kami sa tapat ng entrance sa Left-VIP para walang mga sasakyan na istorbo.ayun.okay naman yung sounds,malinaw sapwesto namin,kaso puro spotlight lang talaga yung nakikita namin,mas nagiging mahigpit na kasi ngayon sa the fort e.dati kasi nung sa MCR nakapanauod pa kaming maayos kahit sa labas lang kami.

ayun,SOBRANG KINILABUTAN AKO NUNG TINUTUGTOG NA NILA YUNG ALAPAAP.
tapos,pansin ko na rin sa mga pagsigaw ni ely tsaka yung mga fireworks na effects tsaka yung mga usok,parang masama sa kalagayan niya.hindi ako nagkamali,habang nagiintay kami ng 2nd set nagbiro pa ko,"ang tagal nagiintay,kala break tapos tapos na pala talaga." ayun, maya maya naglalabasan na mga tao.nagulat na lang kami sa nabalitaan.tapos na pala talaga kasi inatake daw si ely.

tapos,nung pauwi na kami,ayun!wala na kaming pang jeep,kaya naglakad kami mula dun sa venue hanggang sa EDSA-Buendia.napakasaya.hahahaha!(kapagod.nagiistop over kami sa mga mcdo para kumuha ng tubig)

nakakapagod man tsaka nakakabitin,iba pa rin yung experience.bata pa lang ako kinatandaan ko na yung mga kanta ng eheads.naaalala ko pa nga, nung 5 years old ako,burol ng lolo ko tapos pinakanta ko ng tito ko,toyang pa yung kinanta ko nun.hehe.(share ko lang)ayun!kaenjoy! iba talaga Eraserheads.

pagpray na lang po nating lahat yung health ni ely and the rest of eraserheads! sabi nga ni ely kanina sa concert "they try to tell us we're too OLD,too OLD to be (BALD/BOLD?haha)". sabagay.may edad na nga naman sila.pero astigin pa rin!haaay..reminisce muna ko sa mga nangyari kanina.


. :-D

Offline edzpen

  • Regular Member
  • ***
Re: Lahat ng pagod namin,inaalay namin sa ERASERHEADS.
« Reply #1 on: August 31, 2008, 10:19:36 AM »
swerte mo rin at naging saksi ka sa isang historic event dude....abangan na lang ang susunod na kabanata, malay mo, masundan pa to...

Offline rajhan lennon

  • Veteran Member
  • ****
Re: Lahat ng pagod namin,inaalay namin sa ERASERHEADS.
« Reply #2 on: August 31, 2008, 11:27:54 AM »
ayos yan pare ko, totoo tyong fansm hehe pray lang tyong lahat  :-)

im a real nowhere walrus

Offline jorniwantwar

  • Senior Member
  • ***
Re: Lahat ng pagod namin,inaalay namin sa ERASERHEADS.
« Reply #3 on: August 31, 2008, 01:40:48 PM »
MORAL LESSON:
"habang buo pa ang mga bandang gusto mu,
pumunta na sa mga gigs nila. dahil pagdating ng panahon na nagrereunion na lang din sila at wala kang pera, ikaw ang kawawa dahil puro spotlights,usok effects at mga pader na lang mapapanuod mo"

swerte na lang namin/natin(yung iba pang nanunuos sa labas) dahil sa the for open field yung venue at pwedeng marinig ng buo yung sounds. :-D

Offline James_Animagi

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Lahat ng pagod namin,inaalay namin sa ERASERHEADS.
« Reply #4 on: September 08, 2008, 12:11:50 AM »
astig ka chong mula the fort hanggang edsa buendia nilakad niyo hindi joke yun basta eheads \m/


Offline charlz

  • Veteran Member
  • ****
Re: Lahat ng pagod namin,inaalay namin sa ERASERHEADS.
« Reply #5 on: January 06, 2009, 07:10:35 AM »
ayos dude hehe fanka talaga ako nga din on a tight budget ndi na nakapunta tsk tsk :-D
cel no.::0922-873-3712..0935-204-0080
successful transactions with:BAMF,Toybitz,neil_squadron,mondemonle,kenzu0911,
hardcore misery,Donard,diaboliche,ciswith,avatarsaint,soliloki,Elpugonero, jesper2g,luk3,sikheadzraf,p2ltronilogd,mrpentatonic,paparoni

Offline omnicloud7

  • Veteran Member
  • ****
Re: Lahat ng pagod namin,inaalay namin sa ERASERHEADS.
« Reply #6 on: January 14, 2009, 12:35:07 AM »
naconfirm na po sa tv, sa 24oras. Eheads the 'final' set on 3-07-09!  :-) yung presscon nila is on jan19 na, so dun na maglalabasan official details.

Offline jorniwantwar

  • Senior Member
  • ***
Re: Lahat ng pagod namin,inaalay namin sa ERASERHEADS.
« Reply #7 on: January 20, 2009, 11:06:12 AM »
sa Mall of asia daw po?

kita kita na lang po sa 030709! :-D