Nasubukan kong gumamit ng one spot para sa gt10 plus two other pedals. Wala naman akong napansin na kaibahan kapag hiwalay na power supply ang gamit-- one for gt and another one for the pedals. Pero maiikli lang din naman ang set namin dati, 6-7 songs longest. Sa studio practice naman, wala din akong naging issue. Around 2 hrs naman ang usual haba ng practice. Naglakas loob lang akong subukan ang ganitong setup dahil hindi ko mapagkasya yung orig power supply sa pedal case. Mas maganda din siguro kung may sasagot na may alam sa load and current technicalities para siguradong hindi magkaproblema. Pero nasubukan ko na ito - - one spot for all three pedals.