TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

The Musician Forums => Pinoydrums => Topic started by: sandythedrummer on August 05, 2008, 12:20:28 PM

Title: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: sandythedrummer on August 05, 2008, 12:20:28 PM
I've heard this alot of times na from touring musicians.
Nung binile nila yung Maple snares nila sa tate eh super ganda daw. Pero nung nauwi na nila dito sa Pinas unti-unting pumapanget na daw tunog.

Totoo kaya to?
Inputs naman from people who has experience and pwede narin explain in tech terms.
Title: Re: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: Akira JUMBO on August 05, 2008, 01:14:11 PM
I do not have actual experience on this but I would assume the humidity/temperature change here as a possibility behind wood character change.
Title: Re: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: mondi99060451 on August 05, 2008, 04:24:55 PM
send natin to sa myth busters!  :lol:
Title: Re: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: inigo on August 05, 2008, 08:06:40 PM
What's a fact is that may tendency mag-iba ang formation ng wood dahil sa sudden change of humidity. Worst case na ang warping. Known fact din ito among guitarists with guitars. Pero medyo matigas naman ang maple, so less prone ito to warping than, say, mahogany.

Pero shet, may darating akong tom from the states soon. Sana hindi pumangit ang tunog. Tag-ulan pa naman, humidity galore.
Title: Re: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: DRU_GORE on August 05, 2008, 08:21:14 PM
send natin to sa myth busters!  :lol:

whahaha! +1
Title: Re: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: pmack on August 05, 2008, 08:24:01 PM
humihinga kasi ang kahoy.. tulad nga ng nasabi na, na humid talaga dito sa atin. it plays a big factor on the shell. pero in my experience, wala namang pagbabago. sa mismong shell or sa maple hoops nung snare na nakuha ko sa ibang bansa. yun lang, mabilis mawala sa pagkakatono... pero i think that has more to do with the wood hoops than the maple shell itself.
Title: Re: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: kimpoy19 on August 05, 2008, 08:52:07 PM
tama si pmack at si akira jumbo, maari din kasi yun kahit hindi ako gaano familiar sa gamit. sa mga maple kasi, humuhinga sila at maaring sa tempreture din lalo na at may bagyo pa dito. hehe! ayun, at siguro nakaafect din sa transportation. ayun lang mga posible insights na nangyari.  hehe! 
Title: Re: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: smutdrummer on August 06, 2008, 03:34:39 AM
minsan yung buong set eh ngbabago rin ng tunog kapag umuulan o minsan kapag sobrang init. it depends on the humidity saka yung mismong heads eh ngiiba tunog. base sa experienced lang ser
Title: Re: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: edisonmooch on August 06, 2008, 01:18:02 PM
sandy,humidity ang kaaway natin dito sa pinas. around 80% percent ang humidity,which means 80% laman ng hangin ay water vapor.sa states kasi ang humidity nila ay nasa around 40-50%.madaling masira ang wood pag basa sya,pag sobrang tuyo naman ay nagiging brittle thats why some people use humidifier sa kanilang equipment.
Title: Re: Wood Snare Myth.Maganda tunog sa Tate, pumangit na sa Pinas
Post by: intake on August 07, 2008, 08:52:20 AM
kaya bumili na tayo ng hygrometer!!  :lol: