TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: marko21 on September 30, 2009, 11:11:38 AM

Title: Kalyo
Post by: marko21 on September 30, 2009, 11:11:38 AM
Ano remedyo nyo sa mga kalyo?

Meron kasi ako sa toe akala ko dati blister lang, pero ngayon ang kapal na ng labas, naging kalyo na yata. Mga 3months na to at masakit pag tumatapak ako  :-(
Title: Re: Kalyo
Post by: somil on October 01, 2009, 10:05:44 PM
tol, kung malakas loob mo blade lang katapat ng kalyo mo, i trim mo lang ng konti. ingat lang baka sumobra at dumugo pa. gud luck
Title: Re: Kalyo
Post by: marko21 on October 02, 2009, 12:16:05 PM
Alin dun yung ibeblade ko? May medyo malaking butas kasi sa gitna tapos sa paligid niya yung makapal na balat. Mahinang pitik nga lang sobrang sakit na  :-(
Title: Re: Kalyo
Post by: somil on October 03, 2009, 11:07:10 AM
ung makapal lang na balat tol, wag yung malambot n balat dudugo yan.
Title: Re: Kalyo
Post by: marko21 on October 04, 2009, 03:33:35 PM
Anak ng potek ang hirap alisin  :lol:

Dami pa tira hahah.
Title: Re: Kalyo
Post by: charmonium on October 05, 2009, 06:12:36 PM
hmmm tutubo ulit yan. base sa paglalarawan mo na may butas sa gitna at may makapal na balat sa paligid tapos masakit, maaring wart yan o kaya mas malalang kaso ng kalyo yung corn. kung gusto mo ng paspasan, ipa cautery mo. or pwede rin yung ginagawa mong pagtrim ng blade tapos lagyan mo ng salicylic acid. tapos sa gabi lagyan mo ng petroleum jelly para lumambot. matagal nga lang.

may ganyan ako dati masakit sya tapos lumalaki. pinacautery ko. 2 weeks tanggal. hehe
Title: Re: Kalyo
Post by: marzi on October 05, 2009, 08:15:03 PM
meron sa Watson's nabibili Scholl Corn and Callus Remover

ginamit ko yan..makikita mo na yung result sa 1st week pa lang at hindi mo na din kelangan exceed ng 2 weeks yung pag apply dahil pede mo na rub lang gamit ng isang dry towel..

pero kelangan pakapalin mo muna yung gitnang part o hintay mo mag heal..hindi mo kasi pede apply yun remover sa open wound e mahapdi ang feeling tsaka kelangan maingat kang hindi malalagyan yung walang kalyo..
Title: Re: Kalyo
Post by: marko21 on October 05, 2009, 09:55:57 PM
Uy tatry ko yan sir marzi  :-)

salamat  8-)