TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

The Music Forums => Free-for-all Artists forum => Topic started by: PULUBING ALISTO on November 01, 2009, 07:51:11 PM

Title: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: PULUBING ALISTO on November 01, 2009, 07:51:11 PM
ibang klaseng tong mga nagpapa production nato ... puhunan nila load lang and konting p.r pera na!!!

pero ang pagkakaalam ko malaki kita nitong mga to, they dont care kung saan lupalop ka nanggaling basta pagnag pa line up ka sumipot ka
kaze nakalista na yan sa kikitain nila...

and i dont care either kung sila nag renta ng venue or place pra sa production

dahil di makatao ang trato nitong mga to sa mga musikerong mahirap tulad ko...

buti sana kung may mga kontak yang mga yan sa music industry karamihan sa kanila e gusto lang talagang kumita dami dyan nag hahandle ng production e minor de edad pa at maangas pa makipagusap!!! kala mo kung sinong mga pesteng magaling sa tugtugan

karamihan sa kanila wala namang alam!!!

sa tingin nyo ba guys tama ba na ang mga members pa sa mga banda nyo ang magbabayad sa entrance fee or magbebenta ng ticket pra makapag gig ng maximum of 2 to 3 songs lang??? sobrang pang aapi yun dba, i dont agree to that!!!

di ba naiisip ng mga manhid at buraot na to na inaabuso lang nila ang mga talento ng mga musikerong naghahangad makilala sa madla??? di ba nila naiisip na di ninananakaw ang mga gamit ng mga banda at lalong di madali makapag produce ng gamit dahil kailangan mo nang sapat halaga pra magkaroon ng sariling gear etc???

sa madalit salita dapat patayin ang ganitong klaseng production sa music industry wala tayong makukuha sa kanila pero satin malaki ang mawawala at nagagamit pa tayo ng mga to...

magisip ka kapatid kung tama ba na abusuhin tayong mga musikero ng mga gahaman at mga linta nato...

kung may masasabi ka at againts ka sa kanila its your chance to say it now or never!!! :x
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: oiljazz on November 04, 2009, 08:28:04 AM
Agreed!!!!!!!!!!! Users! :cry:
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: jobs on November 04, 2009, 10:20:25 AM
tama ka bro. matagal na laban na yan. first of all, kung alam nyo na ganun ang patakaran nila, dapat hindi nyo na pinatulan. madaming prods jan na hindi nagpapaticketsell, or nagpapadala ng guests, or kahit ano pa. pangalawa, mukhang mali ang pinostan mo, pkitandaan, gig announcement po ito. hindi po gig ang pinost mo. ok? check mo www.notoscum.org, may list dun ng mga prod na katulad ng sinasabi mo. para maiwasan nyo na rin ang pagtugtog sa ganung klaseng sistema.

ok?

ingat sa mga buwaya.
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: oiljazz on November 04, 2009, 12:16:00 PM
sounds someone is gulty huh.... :evil:
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: dovanditz on November 04, 2009, 04:14:22 PM
no comment
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: jimmyfamouz on November 05, 2009, 09:41:59 PM
may point un topic setter..kaso wrong thread. may mga ibang production kc n gahaman.. BUT meron dn naman n ok n prod. kaso dun s mga prod n HINDI ok e grabe tlga.. need pa mgdala ng guest tpos may qouta, may ticket selling. minsan naman walang ticket selling pero need naman mgdala ng guest so ganun d b?.. nais lng tlga kumita. well aminin n nten n malaki ang kita s pg poprod lalo n kun magaling at maboka.. ang pinaka da best ko na natugtugan na prod is un kay SHANE AGUILAR. anak ni SIR FREDDIE AGUILAR. alaga ang mga banda. walang ticket selling, walang bring guest at take note may libreng FOOD ang banda.. o db mas masaya.. sana may mapulot tayong aral s pg respeto s bandang pinoy..
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: goodysaises_03 on November 05, 2009, 09:54:21 PM
up for you sir,
        ~from:tremolo_prod
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: solidblur on November 06, 2009, 07:35:59 AM
isa lang masasabi ko sayo sir, don't support production that requires anything. kahit guest policy lang yan, wag mo nalng supportahan, maraming prod naman na alang policy, yung basta tumugtog ka lang oks na sa kanila.
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: psychotik on November 06, 2009, 08:02:48 AM
no comment
heto lang masasabi ko jan.. kung ayaw nyo wag kayo tumugtog.. di sila kikita kung di kayo magbabayad..

o.t.

mis ko na middleclass especially si papa lemuel..
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: dovanditz on November 06, 2009, 03:54:58 PM
heto lang masasabi ko jan.. kung ayaw nyo wag kayo tumugtog.. di sila kikita kung di kayo magbabayad..

o.t.

mis ko na middleclass especially si papa lemuel..

punta ka mamaya kahit jam ka na lang sa BRI-IW.

sa BRI-IW mamaya libre tumugtog punta lang kayo para magpa-lineup
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: PULUBING ALISTO on November 06, 2009, 04:51:43 PM
mga sir may naglipat nga sa thread ko dito

salamat po  :-D

para sa akin dapat nga ibasura yung mga ganyang production agree ako senyo lahat walang problema

prang cd lang yan e pinipirata tayo ng mga buwayang yan...

pili lang talaga ang mga prod na matitino dito palibhasa mga nag daan din sa hirap ang mga yan at mga banda din katulad natin pero karamihan talaga sakim sa pera

abusado sa mga maliliit na banda tulad ko ewan ko lang senyo ...

di naman ako totally galit sa kanila dahil pinupuri ko padin yung mga prod na may benefits for the band approve sila sakin :-)

post nyo din mga matitinong prod dito and mga contacts pra ma guide tayong mga gustong tumugtog sa tamang mga taong pwedeng lapitan...

salamat mga sir!!!

Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: solidblur on November 06, 2009, 05:41:26 PM
hmmm...mahirap ata magpost ng prod name..pero marami dyan. yung prod nalang kaya na wag suportahan ynug ilagay natin...hherhehehehe...
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: rjville on November 07, 2009, 01:07:34 AM
nagbabayad tayo ng 300. minsan 500 pesos pa nga tapos sino ang audience? tayo tayo din mga banda. swerte na yung may madala kang guest kahit isa. minsan sa laki ng binabayaran niyo, di na kayo kakaen o bibili ng beer sa bar para lang makatugtog ng 2-3 songs. swerte na kung maka 4 songs kayo.

wala man lang exposure para madinig ang kanta natin sa radyo.

mas mabuti pang mag jam jam nalang kung mga banda din lang ang manunuod tapos walang bayad.

yung ibang prod. hihingan ka pa ng porsyento pag magbebenta ka ng EP nyo.

tapos pag may guest band silang sikat. pilit na isisingit sa lineup yun para lang di mapahiya yung prod sa sikat na banda na yon.

sana may prod na.. hindi banda ang kokontakin pag may gig sila, kundi yung mga tropa din niya na gustong manuod at handang magbayad sa event nila.
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: PULUBING ALISTO on November 07, 2009, 06:42:15 PM
may point un topic setter..kaso wrong thread. may mga ibang production kc n gahaman.. BUT meron dn naman n ok n prod. kaso dun s mga prod n HINDI ok e grabe tlga.. need pa mgdala ng guest tpos may qouta, may ticket selling. minsan naman walang ticket selling pero need naman mgdala ng guest so ganun d b?.. nais lng tlga kumita. well aminin n nten n malaki ang kita s pg poprod lalo n kun magaling at maboka.. ang pinaka da best ko na natugtugan na prod is un kay SHANE AGUILAR. anak ni SIR FREDDIE AGUILAR. alaga ang mga banda. walang ticket selling, walang bring guest at take note may libreng FOOD ang banda.. o db mas masaya.. sana may mapulot tayong aral s pg respeto s bandang pinoy..

sir baka alam mo pa yung number ni shane or kung panu syan makonTAK??? EMAIL PERHAPS??? tnx po :-)
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: PULUBING ALISTO on November 07, 2009, 06:43:33 PM
hmmm...mahirap ata magpost ng prod name..pero marami dyan. yung prod nalang kaya na wag suportahan ynug ilagay natin...hherhehehehe...

pede rin sir... :-D basta dapat naka indicate kung bad or good prod ba yun ipost dito :-)
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: PULUBING ALISTO on November 10, 2009, 10:13:08 AM
i like this thread, tama kawawa naman yung mga banda.  :|

kawawa talaga... kaw sir any bad experience regarding this matter???
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: dovanditz on November 11, 2009, 10:46:02 AM
dati meron madami pero yung ibang prod naman nagbago na ng patakaran up for them, pero yung iba ganun pa din eh mga business minded hahaha
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: PULUBING ALISTO on November 11, 2009, 02:51:39 PM
dati meron madami pero yung ibang prod naman nagbago na ng patakaran up for them, pero yung iba ganun pa din eh mga business minded hahaha

hehehe... dapat hindi nalang isinilang nagpauso nyang ganyang systema, para wala nang nahihirapan panu ka madidiscover nyan kung puro kita ang nasa utak ng mga yan dba...

Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: brutalgod_project on November 11, 2009, 04:09:06 PM
tignan mo sa scum list ng notoscum.org (http://notoscum.org)

sana mawala ang ganyang sistema sa eksena!

 :evil:
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: one_note_per_minute on November 11, 2009, 04:54:59 PM
Yeah, Agree ako dito, pero alam nyo karamihan din naman sa mga banda sobraaaaaaaang pasaway kala mo kung sinong mga rockstar eh, nagpapaprod din ako without any ticket sell or bring guest o kahit ano pang pdeng ikalugi ng bands, well nagbabayad ako ng pang gas and may food din na nakasma kasi kakahiya pero minsan may mga ibang band na nakakaasar din lalo na

1. LAGING LATE!
2. DI MARUNONG SUMUNOD NG RULES! (RULES KO LANG IS HINTAYIN MATAPOS ANG PROD MAGSTAY AND MANUOD)
3. SINGIT NG SINGIT KAHIT LATE NA DUMATING,NAKAKAGULO NG LINE UP MGA GANTONG BANDA!
4. PAGKATAPOS TUGTOG SABAY ALIS!!!!! (TSK TSK TSK)
5. YAYABANG

3 BESES AKO NG PAPROD NG WALANG TICKET SELL PERO [strawberry]  80% NG BAND IM SURE GANTO UGALI.  KAYA AYAW KO NA MAGPAPROD. MINSAN NAPAPAILING NALANG AKO E.
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: PULUBING ALISTO on November 12, 2009, 07:13:25 AM

well may point ka dyan... yun yung mga wanna be's na gustong manggulo sa prod di naman talaga talent pinapairal ng mga yan e sa experience mo... dapat ban mo na gad kung ganun pra di kana mahirapan sa sususnod,

pero disagree ako sa may 80% na pasaway ang banda?!

mas madami atang pasaway na prod kesa sa banda

yung iba kaya nagkakaganyan kase gutom na din mga yan ang aga magsidatingan sa venue let say start ng 9pm, andun ng 5pm gawa ng malalayo yung iba

kaya minsan na carried away din yang mga yan dahil sa atat ng tumugtog (mixed emotions) kung baga

kaya para sa aking mahirap mag gig sa production lalo na kung ang nasalihan mo e yung madaming tropa na prod panigurado sisingitan ka ng mga yan sa line up lets say ang spot nyo e 1st band kayo mag play mapupunta kayo sa bandang dulo na tsk!!!

badtrip yung last namin na gig sa prod may bandang q.c yun e ganun ang systema... nakakiniis talga grrrrrr..... :x

Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: clay005 on November 12, 2009, 09:25:01 AM
ang problema lang sa mga lower profile na production eh, kahit walang requirements ang pagtugtog eh wala din nagyayari kasi wlang exposure lalo na sa mga  metal na hindi  katanggap tanggap sa mamayang Filipino. Pag pop rock tapos pogi pa vocalist madali kang sisikat e. paaano na lang tayo mga metal underground band lagi na lang b tayo underground lagi na lang ba kapit sa lower profile na production?

Kakasawa namn ung lagi na lang kapwa banda na lang ang makikinig. Kahit lower profile ung prod dapat ung event nila ay BIG ung makikilala.... 
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: one_note_per_minute on November 12, 2009, 01:06:13 PM
ang problema lang sa mga lower profile na production eh, kahit walang requirements ang pagtugtog eh wala din nagyayari kasi wlang exposure lalo na sa mga  metal na hindi  katanggap tanggap sa mamayang Filipino. Pag pop rock tapos pogi pa vocalist madali kang sisikat e. paaano na lang tayo mga metal underground band lagi na lang b tayo underground lagi na lang ba kapit sa lower profile na production?

Kakasawa namn ung lagi na lang kapwa banda na lang ang makikinig. Kahit lower profile ung prod dapat ung event nila ay BIG ung makikilala.... 

i guess this is not  an issue to metal bands.. metal bands usually don't wanna get expose, they just simply enjoy what they're doing... and just wanted to be in the underground scene.. just my ten cents
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: brutalgod_project on November 12, 2009, 04:05:40 PM
ang problema lang sa mga lower profile na production eh, kahit walang requirements ang pagtugtog eh wala din nagyayari kasi wlang exposure lalo na sa mga  metal na hindi  katanggap tanggap sa mamayang Filipino. Pag pop rock tapos pogi pa vocalist madali kang sisikat e. paaano na lang tayo mga metal underground band lagi na lang b tayo underground lagi na lang ba kapit sa lower profile na production?

Kakasawa namn ung lagi na lang kapwa banda na lang ang makikinig. Kahit lower profile ung prod dapat ung event nila ay BIG ung makikilala.... 

bro meron naman magagandang prod ang underground metal,

and mostly no ticketselling kaya mas maganda,

enjoyment  and support lang talaga
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: badbach66 on November 13, 2009, 11:43:10 AM
One reason why productions like these thrive is because there is always some band willing to pay just to play.
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: jobs on November 13, 2009, 12:11:43 PM
yup... and ang masama pa dun... pumapangit ang quality ng music scene natin dito sa Pilipinas kasi kahit hindi pa handa sumabak yung banda ay napipilitan sumabak kasi madali lang magkagig basta may pera pambayad. which is dapat hindi ganun. ang masama pa dun, hindi na rin talaga nafeafeature yung mga magagaling na bands kasi nga mostly ng magagaling ay ayaw nman ng pay to play gigs. so ang nangyayari eh, nasasaturate na yung mga bands dto sa atin na nageend up sa exploitation ng talents ng mga musicians na instead na they get paid for what they do eh they pay to do what they want to do.

in contrast naman, yung mga bands dn may pagkukulang din pagdating sa pagsupport sa mga nagpapaprod. minsan, 6 bands na nga lng sila tutugtog, eh may attitude pa sila na tugtog-alis. minsan, lalagari pa sa ibang gigs, so nasan ang support? and kawawa naman yung mga naiiwan na bands.

isa pa ay yung magpapalineup yung banda ahead of time tapos after magawa yung ads for the event ah magbaback out last minute or worse, hindi sisipot sa gig. kaya ang nangyayari, itong si nagpapaprod nalulugi(cyempre, business din ang pagproprod), kaya sa next event, magtatambak na sya ng napakaraming banda para in case na magbackout ang isa o mangindian yung isa eh ok lng kasi madami pa rin tutugtog.

in the end talo tayong lahat mapaprod, o mapabanda.

solusyon lang jan ay magtulungan at magbigayan. wag maging buwaya kasi mga musicians tayo hindi tyo mga pulitiko.

ok?

Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: Bale on November 14, 2009, 05:12:08 PM
pati sa mga BOB nangyayari rin naman ang ganito...either may entrance fee or papabenta sila sa bands ng tickets or ang pinakamasakit e BOTH.

i was able to watch a BOB recently and to my dismay, i've learned that contestants paid an entrance fee of P300 plus 10 P30 tickets...

what's more interesting is that there were 29 bands competing for a measly sum of 4k (or was it 3k?) for the champion, 2k for 2nd and 1k for 3rd...

do the math...
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: jobs on November 14, 2009, 07:15:27 PM
pati sa mga BOB nangyayari rin naman ang ganito...either may entrance fee or papabenta sila sa bands ng tickets or ang pinakamasakit e BOTH.

i was able to watch a BOB recently and to my dismay, i've learned that contestants paid an entrance fee of P300 plus 10 P30 tickets...

what's more interesting is that there were 29 bands competing for a measly sum of 4k (or was it 3k?) for the champion, 2k for 2nd and 1k for 3rd...

do the math...

tama ka jan bro... considering marunong naman magmath ang mga Pinoy, hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin nilang sinusuportahan ang mga event na ganun... isa lang talaga ang masasabi ko jan, walang maloloko kung walang magpapaloko...

Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: Bale on November 14, 2009, 07:36:08 PM
tama ka jan bro... considering marunong naman magmath ang mga Pinoy, hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin nilang sinusuportahan ang mga event na ganun... isa lang talaga ang masasabi ko jan, walang maloloko kung walang magpapaloko...

+10,000  :-D
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: rustdemon on November 17, 2009, 01:17:39 AM
speaking of loko... nayari kame dyan sa may cubao ng siang prod na ewan ko ba kung bakit di sinabi na ticket selling pala sila. pag dating namindun na lang nag kaalaman. at dahil napag kasunduan ng banda na sayang ang labas namen ng agbing yun kung di kame makatugtog,pinatulan naman namin.
big mistake.
napagkasunduan na pang lima kami sa lineup. we were at the venue @ 9pm. 2am n di pa kame nakatugtog dahil andami nila pinasingit. bulok yung nag paprod kase pati banda bandahan na wala man lamang sariling gitara ay hinayaan nila umakyat sa stage. ung set up umaabot ng 20 min kase nagmamakaawa pa sila na pahiramin sila ng cable or effects or instrumento.
kung walang dalang gamit, sana wag na lang tumugtog.
ang ending, backout din kame kase plano pala nila kame i huli sa line up. nak ng teteng yan. :| bastusan e.
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: dovanditz on November 17, 2009, 09:29:36 AM

madalas yan brod
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: 13thchapter on November 21, 2009, 05:24:45 AM
  DI NAMAN LAHAT NG PRODUCTION GANUN...DEPENDE SA GOAL NG PROD...

  I still remember last April ng Host kami ng FREE JAM SA BARANGGAY NAMIN...
  Since nasa BAND SCENE din ako at first time naming magkaroon ng ganun "JAM"..
  I want to settle it good and remarkable for the both parties, the organizers and the bands(isa kasi ako sa
  head organizer and it's all my plans)

  DAHIL NGA GUSTO NAMING MAGKAROON NG "GOOD IMPRESSION YONG MGA ININVITE NAMING BANDS"
  "AT PARA KUNG MAG-ORGANIZE KAMI SA GANUONG EVENTS DI  KAMI MAPAHIYA SA MGA BANDA NA 
  ININVITE NAMIN..KAYA ANG GINAWA NAMIN..

   1. FREE SERVICE(TRANSPORTATION DOOR TO DOOR) "BACK AND PORT".
   2. FREE FOOD + SNACK = BUSOG
   3. WE OFFER BEER :-D
   4. PLUS P200 EACH MEMBERS!

    FREE LAHAT!!!!

   Nakakatuwa kasi lahat ng band nag-Enjoy!!! yong Bukang bibig nila  "astig kayo dito..sarap bumalik..!!!"
   NAGKAROON KAMI NG GOOD RELATIONSHIP WITH OTHER BANDS...SOME OF THEM TALAGANG "WILLING
   TO COOPERATE"... AT YON YONG MGA BAND NA NAGTATAK SA ISIPAN NAMIN...

   AND WORTH LAHAT NG GASTOS!!!  HAHHAAHHA

  but syempre as an organizers nalaman ko kung sino sa mga band yong "PAY TO PLAY"...
  AT YON YONG MGA BANDANG "ALAMS NA"

  GANUN LANG NAMAN KASI YON EH! SIGURO SA MGA PROD.. KILALANIN DIN NILA YONG BAND NA TALAGANG WILLING TO COOPERATE!!

Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: Bale on November 21, 2009, 08:49:09 AM

saan yan sir? pasali naman po...hehehe...

transpo + food + BEER ay sobrang ok na nga lalo na kung medyo underground bands yung mga nakuha niyo... the P200.00 na pabaon,however big or small this amount is, will be much appreciated by the bands, the "GOOD IMPRESSION" you made on them will be remembered the next time you put up a gig like this...lalong dadami susuporta sa mga production niyo kapag laging ganyan...

+10,000 to you sir!
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: 13thchapter on November 21, 2009, 10:20:43 AM

hhahahahhahha...ganun???  nga pala gusto share uli:

 Di poh kami production, Oh maybe that time.,,we're just simple  SK COUNCIL who want to influence youth with music. Worth naman po lahat kasi lahat ng youth sa amin ng-ENJOY. and FYI...yong perang ginastos ay hindi galing sa "ERA FUND"...gumawa kami ng way para magawa yon..."YONG MGA BANDA NAG VOLUNTEER NG MAG GAMIT NA GAGAMITIN..." THEY ARE ALSO THE ONE WHO SUGGEST NA ICLOSE YONG GATE AT MAGPABAYAD KAHIT KUNTI BUT THEY DONT WANT DAW ANYTHING IN RETURN, AS LONG AS THEY WANT TO HELP!"

 SO DAHIL NAKIKITA NAMIN YONG SENCERITY NG MGA BANDA NA NAKIKIPAG-COOPERATE, I KNOW THE FEELING--- KAYA GINAWA NAMIN AYON SA NAPAG-USAPAN NG BUONG COUNCIL."NAKAKAHIYA NAMAN TINGNAN YONG MGA TAONG NANDYAN PARA TUMULONG NG WALA KA MANLANG BINIBIGAY NA PAMPATANGAL NG PAGUD(KAHIT DI NAMAN PAGUD).

 BUT AFTER TWO THAT NIGTH...NAGKAROON NG BATTLE OF THE BAND SA AMIN...BUT LOOK BOTB NA YAN FREE TRANSPO PA RIN, PLUS SNACK..

KAYA NATATAWA SILA SA AMIN KASI PANAY SORRY NAMIN KASI YON LANG YONG NAKAYANAN NAMIN..BUT YET THEY SAID: "SOBRA-SOBRA NA NGA YON!, SA LAHAT NG GIG NA PINUNTAHAN NAMIN..DITO ANG THE BEST, SA SA UULITIN!"

POINT:NAGAWA NGA NAMIN NA WE'RE JUST NEWBIE..AND WE DON'T HAVE EVEN HUGE KNOWLEDGE IN PRODUCTION...YONG MGA TOTOONG PROD PA KAYA. IMPORTANTE ANG PERA IN DOING A BUSINESS. BUT PUTTING GOOD IMPRESSION AND HARMONIOUS RELATIONSHIP IS ONE OF THE FACTOR. MAGTULUNGAN LANG AT INTINDIHIN ANG BAWAT PARTIES PARA MASAYA!!!

Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: greenweenie on November 30, 2009, 08:55:18 AM
Want to know which productions to avoid? www.notoscum.org
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: inzsairis on December 01, 2009, 11:47:19 AM

kawawa talaga at mahirap music scene sa atin.. nakakalungkot marami ang nag-aabuso.. (may point din ung mga ngpost sa notoscum.org) mejo msyadong hardcore nga lng  :-)
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: shredboi on December 09, 2009, 01:41:02 AM
ibang klaseng tong mga nagpapa production nato ... puhunan nila load lang and konting p.r pera na!!!

pero ang pagkakaalam ko malaki kita nitong mga to, they dont care kung saan lupalop ka nanggaling basta pagnag pa line up ka sumipot ka
kaze nakalista na yan sa kikitain nila...

and i dont care either kung sila nag renta ng venue or place pra sa production

dahil di makatao ang trato nitong mga to sa mga musikerong mahirap tulad ko...

buti sana kung may mga kontak yang mga yan sa music industry karamihan sa kanila e gusto lang talagang kumita dami dyan nag hahandle ng production e minor de edad pa at maangas pa makipagusap!!! kala mo kung sinong mga pesteng magaling sa tugtugan

karamihan sa kanila wala namang alam!!!

sa tingin nyo ba guys tama ba na ang mga members pa sa mga banda nyo ang magbabayad sa entrance fee or magbebenta ng ticket pra makapag gig ng maximum of 2 to 3 songs lang??? sobrang pang aapi yun dba, i dont agree to that!!!

di ba naiisip ng mga manhid at buraot na to na inaabuso lang nila ang mga talento ng mga musikerong naghahangad makilala sa madla??? di ba nila naiisip na di ninananakaw ang mga gamit ng mga banda at lalong di madali makapag produce ng gamit dahil kailangan mo nang sapat halaga pra magkaroon ng sariling gear etc???

sa madalit salita dapat patayin ang ganitong klaseng production sa music industry wala tayong makukuha sa kanila pero satin malaki ang mawawala at nagagamit pa tayo ng mga to...

magisip ka kapatid kung tama ba na abusuhin tayong mga musikero ng mga gahaman at mga linta nato...

kung may masasabi ka at againts ka sa kanila its your chance to say it now or never!!! :x

ayos Bro! +10000000

naka incounter na kami nito...

pag dating sa text ok pa, pero pag nandun ka na

tyaka ka sisingilin.. grrrrr...  pero hindi naman pinagbibigyan yung mga ganyan production..

hindi nalang kami tutugtog,. mag iinuman nalang kami.  :lol: :-D

Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: erniebong on December 22, 2009, 10:54:31 AM
agree.... these prods are not helping the scene matagal ng sistema yan early 90's pa, nag bago lang mga names at personalities,

pero nasa ating mga artist din sagot dyan.....  we can always sa "NO".... instead of maging pissed at bitter tayo just say NO the next time... o kaya pag first time mo sa isang prod i pag tanong mo sa ibang mga tumugtog na dun.....

frankly may mga reputation naman yang mga prod na yan eh sa mga banda din kayo mag tanong...

there are some prods naman dyan na hindi income ang habol... yung iba just to get something going, yung iba sort like throwing parties, yun nalang ang samahan nyo ipag tanong nyo lang

advice lang pag pumayag ka ng libre one time sigurado babalikbalikan ka nila.... libre eh, if you know your good at something dont do it for free....   

ako still do prods pero never ako nag yes sa T.Y. (na snob pa). the bare minimum at least may GAS money, some food, and a couple of drinks. Kung seryoso ang prod na yan they will try to get quality acts.... syempre hindi yan libre

Just say NO

yun lang naman
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: greenweenie on December 22, 2009, 12:15:45 PM

There was a prod at Dayo bar - Lights On Production - that we walked out on. Nagtext sa akin a few weeks ago asking if we want to play again, 300 lang naman daw ang remit and take note, they text in the stupid jologs text linggo with "q" "xa", etc. I replied, "asa ka [avocado]".
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: brutalgod_project on December 22, 2009, 12:23:01 PM
No!

NO!

WTF NO!
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: erniebong on December 22, 2009, 01:07:28 PM
There was a prod at Dayo bar - Lights On Production - that we walked out on. Nagtext sa akin a few weeks ago asking if we want to play again, 300 lang naman daw ang remit and take note, they text in the stupid jologs text linggo with "q" "xa", etc. I replied, "asa ka [avocado]".

at talagang pinanidigan pa nila yung modus nila ah, ayus yun ah....

there was one time sa isa ring prod eh olats talaga we came in there walang maayos na gamit as in a beaten old drumset and a 10 watt practice amp a simple P.A. thats it (in fairness there was food for the bands but not a single drink was offered to us).. we kept our composure and tried to remain professional and played well enough to beat the odds... and before we leave.... pinasuka namin ng pera walang nagawa nagbigay siya ng tipong Penguin Bar na TF... for us its not just the money we taught them a hard lesson. that there is a price for wasting someone else's time.... na sana man lang if they cant pay us they should make an effort for the bands to have a good time.

artists are proud people hindi pwedeng ganyan gayanin tayo diba? kaya if you think your good enough to get paid? say no and let them settle for what they can get for free.....
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: cheezemonster08 on December 22, 2009, 01:28:04 PM
share din ako ng naranasan namen sa mga ganitong prod..

nangyare to sa cavite ehh,bali super layo ng venue kahit taga cavite din kami.
then ayan na pag punta namin super excited kami to play kasi parang first time namen tumugtog sa ibang lugar.
pag dating namin sa venue,almost 8pm na pero wala padin kahit isang ampli,as in wala.
akala nga namin hindi na tuloy ehh,tapos maya dumating na revo or adventure taz ibinaba yung mga drumset,ampli etc.walang sound system,parang nirentahan lang yung gamit sa studio.mga 9pm na halos yun.
una kaming nakatugtog,dahil bukod sa gabi na,malayo at delikado ang byahe.(madami kasi kaming dalang gears nun,pasikat ehh  :-P)
dahil sobrang badtrip,umalis kami without paying the said prod :lol:

Worst part??

piniem kami sa FS nung isang organizer(mga january na ata nun,november naganap yung "gig")
at SINISINGIL kami,pampondo daw ng next gig nila.

scum na scum. :x
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: paeng on June 13, 2010, 04:36:50 AM
Huwag tumugtog sa "PAY TO PLAY" event.
Kumilos tayo upang mabago ang takbo ng eksena...
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: Endshiftresign! on July 13, 2010, 12:57:21 AM
@paeng

thanks for the up.  ngayon ko lang nakita ang thread na ito.

grabe naman yung kay TS...so hindi lang siya ticket selling, PAY TO PLAY PA kasi kelangan magbayad ng entrance ang mga bandmembers?

take an average band...say, 5 members...tapos magbabayad sila ng tig-P100 na tickets.  so P500 na yan.  tapos yung sampung guests pa nila...alam ko usually mga 7 to 10 guests ang kelangan ng mga hayop na yan.  so mga P700-1000 additional na bayad yan thru ticket sales.  grabe talaga yung mga menor de edad na yan na nagpapaprod...tulad ng sinabi ko dati, mabuti pa at magtrabaho na lang sila bilang service crew.  at least pag ganun wala silang natatapakan...marangal na after-school job...

will do more backreading.  matagal nang nag-lie low ang mga scum prods dito sa PM, at november '09 pa ang thread na ito...but it's still interesting reading...
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: daniel_marshall on July 21, 2010, 10:05:23 AM
mga sir pwede nyo po ba ipm sa akin yung mga ok na production?tnx
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: paeng on July 21, 2010, 05:22:59 PM
mga sir pwede nyo po ba ipm sa akin yung mga ok na production?tnx

Dito makikita mo yung mga hindi ok
Nasa listahan nila...
www.notoscum.org (http://www.notoscum.org)
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: mahikawon666 on August 14, 2010, 10:02:55 PM
Dito makikita mo yung mga hindi ok
Nasa listahan nila...
www.notoscum.org (http://www.notoscum.org)
VERY MUCH APPRECIATED,THANKS
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: malachi on October 04, 2010, 05:31:22 AM
bakit ka naman tutugtog sa mga prod na may bayad???? :evil:
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: moony044 on October 18, 2010, 08:56:17 AM
mejo naguluhan ako sa start ng thread... red kasi yung font sakit sa mata! :lol:

anyways...as i read on nakita ko yung sentiments ng bawat isa and if i am right the factors for saying NO to a production...

enumerate natin isa-isa kung maari, para dun sa mga magbabasa pa ng thread :mrgreen:

1.pay to play-a big no
2.
3.
4.

 :wink:
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: xelalien on October 28, 2010, 06:11:48 AM
recently checked notoscum.org page, pero down na pala ito...
nakupo, papaano na yung "say no to pay-to-play" movement? :(
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: pedaldeaf3 on November 10, 2010, 11:33:13 AM
Alam ko may thread dito sa PM ng mga BAD prod...
AND BELIEVE ME... IT'S A VERY VERY LONG LIST...  :x
AND MAY UPDATES PA!!! Ayaw paawat nung iba...  :oops:
Sana may makahanap and i-post sa lahat ng instrument threads...
Para di mabiktima lahat ng mucisians dito sa PM...
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: trxter41 on November 18, 2010, 03:26:25 AM
wala na yung notoscum.org
free webhosting lang ata yun. sharespace.
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: ecoyski on November 23, 2010, 04:56:08 AM
Ang mahirap kasi sa mga nagpapa-prod wala silang official list ng mga banda at ng oras ng slot nila na nakadisplay. Kaya kapag suki nila yung bandang tutugtog, singit lang ng singit kesyo dahil sa papasok pa sila sa school kinabukasan. Ang masaklap minsan hinde na kinakausap yung bandang masisingitan, basta bigla na lang paakyatin.

May dinaluhan kaming gig dati kasi all-genre daw. Sige punta kami. Start daw ng prod eh 7:30 PM kaso 9 na ata nagsimula eh. Mga kulang kulang 30 lang naman ang pinagpilitan nyang ipagsiksik na banda. Hinde kami aware dun dahil wala naman syang notice na tinext kung sinu sinung banda ang tutugtog.

Syempre slot namin 9:30 ata, kung hinde ako nagkakamali. Late kami ng 30 mins ata dahil umuulan at mahirap magbitbit ng gamit. So given na nausog kami, so ok lang sa amin.

Sige tugtog yung mga banda, tinatanung namin yung organizer kung pangilan kami, "pangatlo daw after ng nasa stage". Mag-3AM na babagsak na yung kasama ko at umuusok na ako sa inis. Umalis na kami ng walang sabi sabi kahit may bayad pa yung mga tickets.

Paanu...
- Nagpasingit ng mga dabarkads na kabanda
- Nasa tamang slot naman yung banda pero por dyos mio halos 20 minutes bago magumpisa dahil sa kakatono (wala na nga silang tuner nakaOn pa ang distortion habang nagtotono. Yung isa nagpapasikat sa stage mabuti sana kung ang linis ng ginagawa nya), grounded yung mga kable at kung anu-ano pa. Guest band daw nila yun!!! Ampota, nagtono na sila ng halos 20 minutes tapos sablay pa rin yung pagkakatono nila. Madugo sa tenga! Habang etung mga tao para aliw na aliw pa.
- Walang malinaw na koordinasyon

After some time, tinext yung kabanda ko na contact ng organizer. Sama daw kami next time. So di nya namomonitor kung sino ang nasa stage at kung sino ang wala. Talk about management.

To cut short. Pag may ganyang invites...

Open SMS > Options > Delete SMS
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: ricekanin on December 01, 2010, 07:24:38 PM
me naatendan na ko battle of the bands di pde makasali ang bandang walang dalang 10 manunuod na tig 150php ata yung bayad.. tapos yung nanalo eh yung kakilala nila... gusto ko sana sabihin name kaya lang wag na malamang kilala niyo ee.. hahahaha.... 
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: xelalien on December 17, 2010, 10:37:05 AM
me naatendan na ko battle of the bands di pde makasali ang bandang walang dalang 10 manunuod na tig 150php ata yung bayad.. tapos yung nanalo eh yung kakilala nila... gusto ko sana sabihin name kaya lang wag na malamang kilala niyo ee.. hahahaha.... 

matagal na ang ganyang modus. marami lang talaga ang naloloko ng mga ganito.
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: ricekanin on December 17, 2010, 01:19:27 PM
takte summerscream nga ata title ng bob na yun tapos ang mga kanta sobrang layo sa thema... dapat title na lang nun summer ice cream.. para pang bata ang mga tugtugan....
Title: Re: ANTI- GIG PRODUCTION
Post by: pedaldeaf3 on January 10, 2011, 12:35:38 PM
takte summerscream nga ata title ng bob na yun tapos ang mga kanta sobrang layo sa thema... dapat title na lang nun summer ice cream.. para pang bata ang mga tugtugan....

Haha...
Pwede ding "Modus of the Bands"
Or "Summer Scam"