TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: sinosimelo on February 06, 2010, 12:36:04 AM

Title: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: sinosimelo on February 06, 2010, 12:36:04 AM
pano ba magpahaba ng buhok? yung parang ganto...

(http://www.blogcdn.com/www.spinner.com/media/2008/03/paul-banks-200-032708.jpg)

ehehe...

or kahit simpleng pagpapahaba ng buhok... namumroblema ako, kasi pag nagpapahaba ako ng buhok.. AMPANGIT! haha.. kumakapal sya, kaya di maganda tignan at kung magpapagupit naman ako, tinatabas nung naggugupit sakin...

ano po bang mga tips? pati tips narin sa pagpapagupit para maging maayos yung pagpapahaba ng buhok... salamat!  :lol:
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: haxo55 on February 06, 2010, 01:08:10 AM
pag mag pagupit ka sabihin mo trim lang...
or wag masyado bawasan yung length kundi yung mass nung buhok...

ako problema ko pano magpakapal ng buhok T_T
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: gwain on February 09, 2010, 01:00:15 PM
maligo palage and lageng mag suklay :D
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: paulo0027 on February 12, 2010, 08:15:48 PM
pag magpapagupit sabihin nipisan lang at wag bawasan yung haba.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: Boxedking on February 12, 2010, 08:18:26 PM
sabihin mo papagupit ka ng "layers". i-retain ang length pero bawasan yun mga makakapal na area.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: skirmish on February 14, 2010, 04:12:10 PM
dala ka pic pgpunta mo sa salon para makita nila gusto mo. mhirap ung papaliwanag mo lng kse minsan mali intindi.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: red_hot on February 15, 2010, 09:39:31 AM
simple lang wag ka magpagupit yun lang then normal routine pa din of how you take a bath
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: raginghormones on February 17, 2010, 10:36:49 AM
ayos tong thread na to, sakto sa ginagawa ko ngayon hehe ako naman problema ko magpahaba at magpalambot ng buhok. kinky at waving kasi tubo ng buhok ko e. matigas pag sinuklay. :-)
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: sinosimelo on February 17, 2010, 10:51:22 AM
ay nga pala, nung nakaraang linggo sinimulan ko mag conditioner.. effective sya mga brad para numipis yung buhok, at straight... para maging maayos tignan habang pinapahaba, tapos pag mahaba na... saka ko papa istylan..  :-D
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: samuelfianza on February 20, 2010, 10:46:14 PM
napansin ko na parang humahaba buhok ko pag pinapawisan. tapos warm water ung pang ligo sa buhok.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: Gunslinger on February 20, 2010, 10:54:34 PM
napansin ko na parang humahaba buhok ko pag pinapawisan. tapos warm water ung pang ligo sa buhok.

Mas mabilis ka daw makakalbo pag ganyan.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: samuelfianza on February 20, 2010, 10:56:38 PM
yan kasi yung nakita ko sa internet. alternative daw sa hot oil treatment. :|
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: inzsairis on February 21, 2010, 12:43:27 AM

dalasan mo pag basa ng buhok mo... mga 3-5 times a day.. mas mabigat ang buhok mo lagi mas mabilis hahaba... (advice from my friend barbero/not kwentong barbero..)
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: newactivemusician08 on April 27, 2010, 12:29:27 AM

gusto mo humaba buhok mo wag ka nalng mag pa gupit hayaan mo lng haggang humaba kahit pumanget ka !! :-Dhehe
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: wiccan8888 on April 27, 2010, 01:01:01 PM
sobra ang hirap magpahaba ng buhok sa simula. pero kapag umabot na siya sa point na napupusod na ayun di mo na mapapansin humahaba na pala. pero sa simula talaga mayat maya tinitingnan mo sa salamin, tinatantya mo na parang hindi na yata humahaba pero pag humaba na talaga tuloy tuloy na.

ganyan din dilemma ko nung simula nagpapahaba ako, kapag medyo mahaba na kumakapal ang panget kasi semi kulot ako tapos siyempre papatrim mo ayun inuubos ng naggugugupit kahit anung gawin mong paalala na kapiranggot lang ibawas.   ginawa ko nung papakapal na siya at papapanget na nagparebond ako, yun yung point na abot na sa mata ko yung buhok ko at natatabunan na ang tenga ko kaso ganun pa din ang hirap imanage nagugulo talaga siya agad lalo mahagin talagang pain in the ass pa din siya pero dun papasok ang patience at pagtitiyaga. ang goal ko talaga mapaabot sa naipupusod siya para walang problema ayun nga tama nga ko nung napupusod na siya no more tikwas, hindi na hinahangin at tuloy tuloy na.  2 years na yata ako hindi nagpapagupit. basta mag spend ka din pang maintain siyempre like conditioner, moisturizer, etc. hindi ako gumamit ng hair grower, head and shoulders shampoo ko tapos conditioner ko cream silk ung damage repair yata.  gumagamit din ako ng moisturizer yung vitress yata yung name nun yung mabango.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: raginghormones on April 27, 2010, 01:40:49 PM
ganda ng tip mo sir! asa stage na ako ngayon ng kumakapal na e. pag nagparebond ba yun din ba yung pastraight? loko kasi mga kabarkada ko, pag nakakita ng lalaking kulot tas ng pastraight kinakantyawan agad na fag e hehe gusto ko ding parebond para di masyadong wavy yung galaw ng buhok ko.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: wiccan8888 on April 27, 2010, 06:31:07 PM
ganda ng tip mo sir! asa stage na ako ngayon ng kumakapal na e. pag nagparebond ba yun din ba yung pastraight? loko kasi mga kabarkada ko, pag nakakita ng lalaking kulot tas ng pastraight kinakantyawan agad na fag e hehe gusto ko ding parebond para di masyadong wavy yung galaw ng buhok ko.

mukha talaga akong [avocado] nung nagparebond ako straight na straight at ang hirap iistyle nung default niyang pagkakastraight.  lagi ko na lang din sinusuklay tapos moisturizer ganun para maistyle siya. pwede ding iparelax mo tapos kapag nawala na yung relax siguro mahaba haba na din yan basta just to buy you some time ma pahabain siya ng hindi makalat ang buhok mo or messy na mukhang madumi. mas maganda relax kung ayaw mo magmukhang jo.logz masyado ng panandalian kasi hindi naman pinaplantsa ang relax eh gamot lang tapos babalik din sa pagiging wavy buhok mo after 1-2 months yata.  basta ako tiniis ko magmukhang ta.nga nung nagparebond ako talagang ang kinis ng buhok ko para akong ba.ding pero ayun nga later on humaba na siya at naipupusod ko na kaya hindi na halatang nakarebond tapos unti unti ng bumalik yung tunay kong buhok kaya mas naging maganda effect nga pagkakulot ko eh parang pambabae buhok ko na wavy ngayon ganun. tapos yung pagpupusod ko naturally nakulot niya din lalo or nawavy buhok ko, yun naman talaga trip ko yung parang in between na wavy at medyo straight yung typical na hair ng mga babae ganun nga.  basta yung naging strategy ko talaga nun kaya nagparebond or nagpastraight eh para mapahaba pa lalo buhok ko hindi para paistraightin siya or magmukhang f4 or korean pop na hindi mo malaman. para lang talaga huwag masyado makapal at kontrolado ko pagiging kulot ko sa pagpapahaba ng buhok ko.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: sinosimelo on April 27, 2010, 11:09:57 PM
wiccan, finally there's a connection. ang tawag ata sa stage na yun eh "awkward stage" yung muka kang timang kasi ampanget tignan ng buhok.. pero maganda na pag humaba ng todo... waw parang ugly duckling story!  :-D
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: marko21 on April 27, 2010, 11:30:03 PM
Sir wiccan, nung pinarebond mo yung makapal mong buhok, di mo na pinabawasan?  :mrgreen:
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: wiccan8888 on April 28, 2010, 12:02:21 AM
Sir wiccan, nung pinarebond mo yung makapal mong buhok, di mo na pinabawasan?  :mrgreen:

binawasan pero hindi gunting ginamit nila kasi nga sabi ko huwag bawasan masyado, yung suklay na metal yata yun na pangtanggal ng split ends.  bale yung suklay na yun parang may lock sa mga ngipin na pinuputol yung dulo ng buhok ng hindi ginugunting. mag two two years na din buhok ko, ito na yata pinakamatagal sa buhay ko na hindi nagpapagupit pero minsan nag papahair spa ako, gusto nga itrim ng mga ba.ding dahil ang panget daw may mga split ends na sabi ko dating gawi yung metal na suklay ayun tanggal split ends ulit.  basta kapag nagparelax ka or rebond talagang magkaka split ends pagtagal kaya kailangan mo bumalik din sa salon kapag medyo humahaba na at dumadami na yung split ends. 

problema talagang malake sa pagpapahaba ng buhok ng lalake yung bumubuhaghag eh, swerte na lang mga straight ang buhok pero talagang pain in the ass sa mga tulad ko na wavy ang hair pero yun nga tulad ng sinabi ko sa simula lang naman, yun talagang first 4-6 months yata yung kailangan mo hanapan ng solusyon para hindi maging buhaghag masyado or pansinin.

in addition, yung jergens aloe vera na 50 pesos yata sa 711 isa maganda din yung pangtanggal buhaghag ng buhok at bawas wavy, minsan ko na ding nagamit yun nung mga time na ilang beses ko binalak magpahaba ng buhok pero di nagtatagumpay, nagtagumpay lang ako last 2008 august. nagsimula ako sa oasis hair pero ngayon parang batusay na.  worth it, sarap ng mahaba talaga ang buhok, self expression, freedom, at less hassle sa magdedesign ipusod mo lang or wala problema hanginin man or what. sarap ng mahaba ang hair talaga, nasabi ko bang masarap mag gitara or tumugtug ng mahaba buhok  talaga.

Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: wiccan8888 on April 28, 2010, 12:09:16 AM
wiccan, finally there's a connection. ang tawag ata sa stage na yun eh "awkward stage" yung muka kang timang kasi ampanget tignan ng buhok.. pero maganda na pag humaba ng todo... waw parang ugly duckling story!  :-D

nasa sa iyo din yun kung paano mo dadalhin yung first few stages ng pagpapahaba ng buhok, kasi ako pa brush ba tawag dun yung suklay na mula sa harap papunta sa batok ganun pagsusuklay ko nuon at saka may moisturizer kaya mukhang maayos naman.  mas less hassle pahaba ng buhok ng hindi siya tumatama sa mata habang maikli pa kaya ganun naisipan ko na pasuklay. kung mahigpit sa school mo or office di pa pansinin kasi papatong sa likod ng tenga mo yung buhok at malinis ang noo mo dahil papunta sa likod tubo nila.   
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: charlesdavidlim on April 28, 2010, 12:35:53 AM
wow ang dami kong natutunan. saktong sakto magpapagupit ako bukas. weee  :-D
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: marko21 on April 28, 2010, 10:07:35 AM
Ayos, gawin ko mga tips nyo sir. Gusto ko na pahaba!
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: inzsairis on April 28, 2010, 11:00:49 AM

i had a long wavy hair, kaso last week wala na.. inet eh.. 1 year ulet bago ako magpapagupit
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: raginghormones on April 28, 2010, 11:48:30 AM
Quote
wiccan, finally there's a connection. ang tawag ata sa stage na yun eh "awkward stage" yung muka kang timang kasi ampanget tignan ng buhok.. pero maganda na pag humaba ng todo... waw parang ugly duckling story!

andito na ata ko sa stage na to!  :-D
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: gamble on April 28, 2010, 11:58:30 AM
ako ndi ko nmn i experience ung "akward stage"...ako kulot as in kulot n wavy,pag dry ung buhok ko nakatyo.kaya nmn ako ndi nhi2ya kc idol ko c diego ng sandwich.ganito kc buhok nya nung c mark abaya p voalist nila.hehehe

pero tip tlaga dyan, tiis lng..patience ika nga! :mrgreen:
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: raginghormones on April 28, 2010, 12:16:12 PM
basta iniicip ko lagi, kada goal my mga obstacles na dadaanan..eto na yung obstacles na yun, kelangang tiyagain at paghirapan para makuha yung goal..yan ang moral ng thread na to, patience is a virtue.. :-D
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: wiccan8888 on April 28, 2010, 01:03:23 PM
saka tinry ko na din minsan na iconceal yung buhok na bumubuhaghag at kulot kulot using a cap at hindi din maganda resulta.  lalo lang gumugulo at nawawalan ng style or yung goal mo na ihulma siya nawawala dahil naka cap ka lage. ok naka cap kapag nasa labas pero kapag nasa loob ka na ng office or room wala na hindi mo na maisusuot at problema mo na naman na mahirap kontrolin yung buhok mo na ang kulot kulot.

basta kung ayaw niyo parelax or rebond maganda mamili kayo ng isang hairstyle na kung saan hindi magiging makalat tingnan ang wavy hair at todong moisturizer.  moisturizer kasi nga hindi mo naman maigegel yung point na buhaghag na or makulot na kasi sa kapal niya ang panget ng igel.  saka ang pangit sa mata na naka gel lalo na gatsby yung buhok na makapal. pain in the ass din siya kapag mainit. tapos kapag nahanginan at nagulo wala na dahil naka gel. patience talaga sa pagpapahaba ng buhok at huwag mo abangan lagi or sukatin lage dahil lalong feeling hindi humahaba. 

Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: wiccan8888 on April 28, 2010, 01:15:50 PM
basta iniicip ko lagi, kada goal my mga obstacles na dadaanan..eto na yung obstacles na yun, kelangang tiyagain at paghirapan para makuha yung goal..yan ang moral ng thread na to, patience is a virtue.. :-D

ako madalas obstacle ko sa work eh.  minsan ng nangyari nahire ako sa company tapos medyo mahaba na buhok ko nun then kinausap ako ng hr na paputulan ko daw kasi company policy daw.  madalas niya banggitin sa akin yun then one time napuno na ko, sabi ko "naiintindihan ko po na company policy na dapat maikli buhok ng lalaki pero bago niyo ko nahire mahaba na ang buhok ko at dapat dun pa lang sa contract signing pinaputulan niyo na or sinabihan ako para nakapagisip ako hindi yung ngayong nandito na ko saka niyo po ako sasabihan. ganito na lang po dahil alam ko na naviviolate ko talaga ang company policy dahil sa haba ng buhok eh magreresign na lang po ako ngayon din at gagawa na ako ng resignation paper citing my long hair as the reason for my resignation." ayun after nun di na ko kinulet nun.

pero pinakamatindi Director ng group or department namen, ewan ko ano pumasok sa kokote nun bakit mineet kame eh di naman niya ginagawa dati yun, tapos pinakelaman din hair ko, hindi daw niya inuutos sinusuggest na lang at ipinapakiusap na paputulan ko dahil company image blah blah blah ... then sabi ko "komportable po ako na ganito buhok ko sir, less time being consumed everyday sa pagaayos ipinupusod ko lang po kaysa gel ang tagal ko po iistyle buhok ko. may time din po na pumapasok ako ng office na nagmomotor kaya po mahaba buhok ko dahil hindi po maganda mag gel ng naka helmet at ayoko naman maconsume time ng company pagdating ko dito saka pa lang ako magaayos ng buhok. less din po punta ko sa cr para magsuklay dahil nakapusod na.  komportableng komportable po akong magtrabaho ng ganito ang buhok ko." pero matindi yun madalas pa din kapag nagkakasalubong kame pinapagupitan ako or binabanggit niya, nainis ako nagresign na lang ako pero ibang dahilan looking for a better opportunity pero sa totoo lang isa sa dahilan yung kinukulet ako pagupitan. ayoko pinakekelaman yung sarili ko kung paano ko dadalhin sarili ko lalo na sa buhok kaya nagresign na lang ako. 

dito sa pinapasukan ko ngayon may katagalan na din ako pero kinukutuban ako na sasabihan ako ng VP na paputulan hair ko basta nakukutuban na ako, pero ready na ako sa statement ko "tanggalin niyo na lang ako kung pati buhok ko papakelaman niyo."
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: raginghormones on April 28, 2010, 01:39:16 PM

+1000!
di naman ang buhok ang nagtratrabaho para sa kanila e hahaha natatakot ata sila baka si samson ka na kumukuha ng lakas pag mahaba ang buhok hehe  :lol:
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: pandora on April 28, 2010, 03:50:25 PM
kaylangan mo ng tulong ng isang magaling na parlorista. heheh
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: paulo0027 on April 28, 2010, 03:56:43 PM
post naman kayo ng pic nyo
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: gamble on April 29, 2010, 03:12:21 PM
post naman kayo ng pic nyo
cge sir uunahan ko w8 lng..upload p :mrgreen:
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: RedWinG on May 26, 2010, 01:29:03 AM
sa awkward stage eh nagsusuot na lang ako ng mga head gear. bonnets or cap. tapos pag pwede na mapusod nagpupusod na rin ako. pag medyo neck length na hinahayaan ko na lang.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: les_paul_rhay on May 29, 2010, 01:48:24 PM
wag mag pa gupit sa loob ng 1 taon
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: marko21 on July 31, 2010, 06:46:54 PM
San maganda magpanipis ng buhok? Yung hindi babawasan yung haba.
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: sinosimelo on July 31, 2010, 09:03:38 PM
San maganda magpanipis ng buhok? Yung hindi babawasan yung haba.

hahaha! iisa talaga nasa isip nating lahat...

badtrip kasi... kahit anong sabi mong "nipisan lang po, pero wag bawasan yung haba" -ganun parin.. sobrang ikli tlga ang tabas ng mga hinayupak..

siguro kapag sinabi mong "nipisan" nasa isip nila ninipisan yung buhok mo as in "manipis"  :-D
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: marko21 on July 31, 2010, 09:38:00 PM
Ahaha kamusta mo na buhok mo sir  :-D
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: sinosimelo on July 31, 2010, 09:59:55 PM
back to basics ulit.. kailangan ko magpa clean-cut, kasi nagjobhunt ako.. ngayong may work na ako humahaba n sya ulit... >:D
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: marko21 on July 31, 2010, 10:01:21 PM
Ahh ayos sana pede sa trabaho mo long hair  :mrgreen:
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: mybabyowen on August 02, 2010, 04:50:57 PM
matagal kong inasam maspa long hair kso d mtuloy tuloy kc mukang adik daw...hay...
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: mahikawon666 on August 10, 2010, 11:08:06 AM
gusto mo humaba buhok mo wag ka nalng mag pa gupit hayaan mo lng haggang humaba kahit pumanget ka !! :-Dhehe
koreeekkkek!!
Title: Re: Pano ba magpahaba ng buhok??
Post by: gumer143 on September 15, 2010, 02:18:43 AM
customer: boss pagupit

barbero: anung style gusto mo?

customer: long hair

 :lol: ang alam ko perla dapat gamitin na sabon para sa hair. ganyan kasi ginamit ng pinsan ko naramdaman niya bumilis humaba buhok niya