TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician
The Musician Forums => Pinoydrums => Topic started by: killuaxp on November 19, 2006, 08:31:50 AM
-
nakita ko ito sa music schools thread about music schools sa colleges na pwd pla enroll basta ung extension lng.gusto ko sana UP para malapit lng QC area kasi ako. pwd ba sa UP kht beginner plang ung tugpak tugpak plang kaya gawin o dpt may alam ka na tlga? gusto ko din kasi mag-aral eh. mahal kaya un?tsaka kelan kaya pwd magenroll? sana may merong may alam sa inyo. ty! :-)
-
sa UP medyo mura lang, im sure may makakasabi dito how much.
ok sa UP mag-take ng extension course sa drums.
maagaling ang mga teachers. pero pili ka rin ng magiging instructor mo kung may chance ka mamili.
-
thanx master. sana wag muna alisin ni mod kasi dun sa isang thread wala may alam eh. mga magkano kaya madadamage sa akin? wala pa nmn ako kilala na mga instructors dun... haaay...
* Hindi ko aalisin, as long as you don't use text spelling on your posts hehehe! Thank you. Apir! :wink:
- Pinoydrums Moderator
-
di ko sure, muntik na ako mag-enroll dati kaso due to time constraints, di na natuloy. mga 3-4K yata kaso di ko na maalala, di ko sure.
di ako master. :-D
-
o cge na nga pmack. hihi! kung sabagay di mo nmn ako apprentice..hihi! :-) idol na lang.. oks ba un? mga ilang sessions kaya un pag nag-enrol? mahal din pla noh... tsaka ilang oras kada session? sana may idea din ung iba :?
-
30 minutes per session ang nakalagay eh kaso depende pa rin sa instructor mo yun. and sa pagkaka-alam ko mga 12 sessions yata or more.
-
ah pwede na rin yun 3-4k.. magagaling ba yun nagtuturo sayo dun.. sang UP yan?..
-
diliman
-
hindi ka makakapasok dun pag beginner ka.. audition/exam pa lang mahirap na..
kaylangan marunong ka magbasa ng notes..
nagtry na ko dati. pero di ko alam kung up extension class un.
-
thanx master. sana wag muna alisin ni mod kasi dun sa isang thread wala may alam eh. mga magkano kaya madadamage sa akin? wala pa nmn ako kilala na mga instructors dun... haaay...
* Hindi ko aalisin, as long as you don't use text spelling on your posts hehehe! Thank you. Apir! :wink:
- Pinoydrums Moderator
mod sorry... :-) nasanay lang talaga ako sa text na sulat. pasensya na. i'll be more cautious next time. :-)
-
baka naman wala na yung entrance exam tutal hindi nmn as in conservatory eh? :-)
-
Yung time na nag-aral ako sa extension course sa UP, around P3,000 ang gastos.
Ang schedule mo pwede niyong pagkasunduan ng teacher mo, as long as ma-fulfill yung 6 hours na binayad mo.
Ang schedule ko dati, weekly na tig-one hour lang.
Ganito ang naging lesson ko per session
1 - rudiments
2 - rudiments + basic grooves
3 - rudiments + grooves + fills
4 - di ko na maalala
5 - di ko na rin maalala
6 - contemporary songs
Bibigyan ka nila ng music sheet as homework. Goodluck!
-
ah talaga, ganon pala yun! :-D pwede ba january mag-enrol dun? la na budget kasi eh, inubos na ni vinci...hihihi! :-) thanx for the info gep! :wink:
-
hindi ka makakapasok dun pag beginner ka.. audition/exam pa lang mahirap na..
Pwede pumasok kahit sino, walang exam. Baka ang pinasukan mo e mismong application sa College of Music. Mahirap talaga auditions nun.
PERO isang malaking plus na ang nakakabasa ka ng notes, pero ok na kahit tabs lang.
Mapapabilis ang pag-usad ng lessons kapag nakakabasa ka!