TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Tech Forums => PC Tech => Topic started by: Pfizer on July 20, 2015, 11:45:22 PM

Title: Sirain ba ang MSI laptop?
Post by: Pfizer on July 20, 2015, 11:45:22 PM
Hi mga sir, konting advice lang po!  :wave:

Iniisip ko kasi bumili ng MSI GE62 for gaming and work; matibay po ba ito? May nagsabi kasi sa akin na 6 months lang daw ang tinatagal ng MSI eh, Gateway laptop na lang daw ako. Totoo po ba ito?
Title: Re: Sirain ba ang MSI laptop?
Post by: mozart123 on July 21, 2015, 09:53:06 AM
six months!? msi gamit ko laptop sa ate ko ngayon naka ilang taon na di nga lang gaming laptop.
Title: Re: Sirain ba ang MSI laptop?
Post by: sonicassault on July 21, 2015, 10:07:43 AM
Hi mga sir, konting advice lang po!  :wave:

Iniisip ko kasi bumili ng MSI GE62 for gaming and work; matibay po ba ito? May nagsabi kasi sa akin na 6 months lang daw ang tinatagal ng MSI eh, Gateway laptop na lang daw ako. Totoo po ba ito?

Mas pipiliin ko yung MSI kaysa sa Gateway. Nasa alaga kasi yan. Yung Gateway pagmamay-ari ng Acer. ang Acer computers 1 year lang, eh di lalo naman yung Gateway, kahit alaga mo, bibigay na motherboard. Pero yung MSI ang lifespan nyan at least two years, at hindi motherboard ang bibigay, usually overheating kasi puro alikabok na yung loob.
Title: Re: Sirain ba ang MSI laptop?
Post by: Ralph_Petrucci on July 21, 2015, 12:14:56 PM



so far mga friends kong naka MSI laptops, buhay pa after 3-4 years. unang bumibigay is yung battery, tapos yung ibang keys, natatanggal na (then again, old school ito, hindi pa yung chiclet keys.

hindi naman nasira, pero too outdated na rin kaya pinalitan na nila recently. MSI parin pinalit nila.
Title: Re: Sirain ba ang MSI laptop?
Post by: sonicassault on July 21, 2015, 12:25:23 PM
Generally mas matibay ang mga OEM-brands tulad ng Asus, MSI, Huawei, Lenovo, kaysa sa well-known brands tulad ng HP, Gateway, Acer, etc. May kilala ako gamit pa rin yung MSI nya na netbook from 5 years ago. May charger ako dati ng Asus 10 years tumagal with constant use. Compared sa consumer HP, Gateway at Acer models, lahat ng kilala ko na may ganun, sunog ang motherboard 1 year into the purchase, at pag yun ang nadali wala na bili na ng bago.
Title: Re: Sirain ba ang MSI laptop?
Post by: Pfizer on July 21, 2015, 07:44:57 PM
Salamat po sa info mga master  :-D Last question, may service center po ba ang MSI sa Pilipinas?
Title: Re: Sirain ba ang MSI laptop?
Post by: mozart123 on July 21, 2015, 11:19:16 PM
meron sila shop sa sm annex dun mo na lang itanong.
Title: Re: Sirain ba ang MSI laptop?
Post by: Pfizer on July 21, 2015, 11:41:05 PM
Sa SM Manila po ba yung annex? Yung Cyberzone?