TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

The Musician Forums => Guitar Central => Topic started by: Rock_on on October 26, 2016, 02:50:07 PM

Title: New Guitar or New Parts?
Post by: Rock_on on October 26, 2016, 02:50:07 PM
Naghahanap ako ng pwedeng gawin sa sahod.

BUDGET: Around 3-4k MAX.

May nakita akong STAGG tele/strat malapit dito na ganyang presyo lang. Ang mura kaya consider ko na.
Tapos kung go for the upgrade ako, Artec PUPs sana ako.

Kung maghihintay naman ako ng kahit 1-2 months magkaka 8-10k ako.

Gusto ko magka SG at may nakita ako 12k, yung isa Les Paul 12k din sa JB. Ayoko nga talaga ng Les Paul eh kaso ewan ko biglang nagustuhan ko yung isang yun. Yung isang yun lang hahaha.

Kung kayo san kayo? Pwede din naman ako bumili ulet ng bagong pickups at better hardware nun sa 12k na yun. Like Seymour Duncan set na ganun tapos mga brass block at iba pa.

China lang kase to kaya "Hardware upgade" is almost mandatory na din.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: shoegaze geezer on October 26, 2016, 03:25:09 PM
save a little more and buy used squiers or epiphones.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Rock_on on October 26, 2016, 03:32:18 PM
Mm-hmm. Consider ko yan sige. More opinions pa para magkaalaman ano mas matimbang.

Almost 1 year na kase akong walang gitara or di nagagamit kase sira Pups kaya excited lang.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: dendelion on October 26, 2016, 03:58:11 PM
Save up. Trust me, you will always have the itch to get a better guitar.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Rock_on on October 26, 2016, 04:08:40 PM
Nananalo yung save up. Sige na nga ipon pa.

Kung may makita kayong aroung 6-10k na gitara, kilala nyo na sinong lalapitan  :-D :-D :) :)

- Preferably, SG or Les Paul (white).
- Ok lang din Tele.
- No to Strat and others.

-- EDIT --

whoops, nalito lang. Magkamuka kase xD I mean mala ESP Eclipse please :D not Les Paul
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: DiMarzSiao™ on October 27, 2016, 02:29:29 AM
ok yung medyo nalilito ka pa sa gusto mo, nakatutulong yan para maudlot yung biglaang pagbili. Nang sa gayon ay makaiipon ka pa ng
mas malaking budget para sa mas maiging klase ng instrumento.

Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: royc on October 27, 2016, 12:00:34 PM
Don't upgrade a cheap guitar. Use it while saving for additional cash then sell at the price you bought it. Para ka lang nanghiram ng gitara habang kulang pa ang pambili mo :-)
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Ralph_Petrucci on October 27, 2016, 12:22:36 PM
ipon, ipon, ipon, buy the best once you can afford.

tama sila, daming gems sa classifieds dito. abang abang lang. :D
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: gandydancer123 on October 27, 2016, 04:35:23 PM
looking back sa case ko.. my advice to a younger me is..."SAVE UP FOR THE QUALITY BRANDEDGUITAR YOU WANT MOST"...one time bigtime lang...iba ang feeling at approach..

parang bibili ka ng mouse sa CDR King.. vs. punta ka sa cyberzone to buy some highend gaming mouse...  hehe buy once lang and cherish it..good luck! post ng pics!
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: SeafoodPancake on October 27, 2016, 07:14:47 PM
Ipon ka muna bro, mas madaming choices pag mas malaki budget.

And habang nag aantay ka, there is a possibility na mabago pa yung gusto mong guitar and at that time, mas okay na budget mo.

And kung gusto mo lang din mag explore ng ibang guitar, consider buying a 2nd hand. Madaming magandang deal sa classified section natin. Good luck brother.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Rock_on on October 27, 2016, 10:50:25 PM
Ipon ka muna bro, mas madaming choices pag mas malaki budget.

And habang nag aantay ka, there is a possibility na mabago pa yung gusto mong guitar and at that time, mas okay na budget mo.

And kung gusto mo lang din mag explore ng ibang guitar, consider buying a 2nd hand. Madaming magandang deal sa classified section natin. Good luck brother.

Thanks sa lahat na nag advise. Mas paniniwalaan ko kayo syempre mas may experience kayo saken  :-D :-D :) :)

Pero yung about sa choice ng guitar sobrang tagal ko na talaga gusto ng SG or kahit yung mala ESP Eclipse lang.

Also, puro ako 2nd hand kase nakakabili ako ng "Branded" or "High-end" stuffs in much lower price. Kahit sa mga phones ganun din ako hahahaha
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: royc on October 27, 2016, 10:55:13 PM
Thanks sa lahat na nag advise. Mas paniniwalaan ko kayo syempre mas may experience kayo saken  :-D :-D :) :)

Pero yung about sa choice ng guitar sobrang tagal ko na talaga gusto ng SG or kahit yung mala ESP Eclipse lang.

Also, puro ako 2nd hand kase nakakabili ako ng "Branded" or "High-end" stuffs in much lower price. Kahit sa mga phones ganun din ako hahahaha

Mas maganda nga bumili ng second hand mas sulit basta inspect lang mabuti
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: rowley75 on November 07, 2016, 12:45:18 PM
Save up. You can get an used orville sg for 20k+ and a gibson sg for 45k+. Yung esp eclipse medyo bihira lumabas.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Rock_on on November 07, 2016, 04:38:16 PM
Save up. You can get an used orville sg for 20k+ and a gibson sg for 45k+. Yung esp eclipse medyo bihira lumabas.

:\ masyado po mahal yan. Decent lang hanap ko to medium-level lang po :D like around 6-12k the rest equipments na.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: rowley75 on November 08, 2016, 02:08:03 AM
:\ masyado po mahal yan. Decent lang hanap ko to medium-level lang po :D like around 6-12k the rest equipments na.

Your call. I'm just stating my suggestion. Pareho lang kasi, dun ka din naman papunta. Then why not just go straight ahead? Just my 2 cents.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Igor on November 08, 2016, 04:15:20 AM

  Sa akin, im just upgrading the parts lalo na yung pickups. Wala naman ako high-end guitars.  :mrgreen:
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Ralph_Petrucci on November 08, 2016, 09:56:19 AM
Your call. I'm just stating my suggestion. Pareho lang kasi, dun ka din naman papunta. Then why not just go straight ahead? Just my 2 cents.

^^ may punto siya paps </3 ako dati upgrade upgrade upgrade. wala din, nauwi din ako sa fender. yun lang makakapagpatigil nung gas eh. there's a reason kung bakit mas mahal itong mga top of the line guitars na ito. and no, its not just the brand.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: skrumian on November 08, 2016, 10:08:07 AM
May decent guitars na for 12k. Squire, Tokai China, Cort.

But I wouldn't upgrade parts on it, lalo na kung mas mahal pa ang parts kesa sa gitara mismo. Kung nagkaroon ako ng exyra cash, ibebenta ko na lang ang gitara at bibili ako ng nas high end.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: gandydancer123 on November 08, 2016, 01:41:41 PM
delayed gratification.. go for the best and stuff of your dreams..kasi in the long run, yung price ng dream guitar mo ay same nadin ng gagastusin mo sa pagmod..
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Rock_on on November 09, 2016, 06:45:18 PM
Hmm, makes sense ¯\_(ツ)_/¯ it's not that mababa ako mag hangad pero, the reason dko talaga hangad yung ganun eh from the first place tlaga siguro eh dahil 6-12k lang talaga goal ko hahahaha

ewan, di pa ako nakatry ng mga ganun eh para masabi na kelangan ko pa ng mas mahal pa.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Igor on November 10, 2016, 02:30:21 AM


 
Hmm, makes sense ¯\_(ツ)_/¯ it's not that mababa ako mag hangad pero, the reason dko talaga hangad yung ganun eh from the first place tlaga siguro eh dahil 6-12k lang talaga goal ko hahahaha

ewan, di pa ako nakatry ng mga ganun eh para masabi na kelangan ko pa ng mas mahal pa.


   Ang alam ko sa Price Range Niyan may RG series ka na, na mabibili. tumawad ka lang, hehehe.
   
   
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: shodawmoon on November 18, 2016, 07:40:12 PM
Just sharing my experience with a similar situation, I bought a Squier Tele in 2008 and it cost 12k.

upgrades that went it to it totals to 15k. Believe it or not, kahit ako nagulat sa total.

in the end, I spent  27k on it, and for that much you could buy a Japanese or Mexican Fender or if you're lucky or patient enough could buy a 2nd hand Gibson.

Bottom line is, Saving up is always the best route. The only reason why I never sold the Squier and just upgraded it to the hilt, is the sentimental value. otherwise, naibenta ko na yun at bumili na ako ng Fender. 

and like what the others have said, you will ALWAYS itch for a better quality guitar, so save up.

 
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: joel_marcelo on November 18, 2016, 08:14:44 PM
Andami sa Classifieds section natin in that price range. If I were yuo, dun ako bibili. Anyway, nakakatuwa naman mabasa mga old GC peeps sa thread na to. <3
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Rock_on on November 18, 2016, 08:31:33 PM
Nag-open ako ulet ng thread about Shelter Brand guitars naisipan ko lang kse sumali sa mga buy and sell guitar groups tapos nagpakita yun hahaha nag-inquire ako tapos sabi may bibili na daw (more info dun nalang)

to make the story short, may nagpakita ulet SX na SG for 6k only. Magkano ba mga brand new SX? Base sa searches ko marami naman napaligaya yung SX brand eh especially mga bassist.

Yun nalang kukunin ko po :D unexpected nga eh kase bibili na talaga ako dapat ng parts ng sirang Strat ko para habang naghihintay ako ng ipon ng pang 10k+ na guitar eh may gnagamit ako. Kase tukso nun pag walang ginagamit hahaha tapos parang di pa yata matutuloy.

I'll let you know pag nabili ko yun or ano man.

Come what may nga lang ako eh. Sabi ko pag walang gitarang dumating ibig sabihin meant to be yung parts ng Strat ko muna at 10k+ guitar. Pag may guitar na decent na kaya ko aba... yun na.

Di naman din ako ganun kaselan masyado basta playable. Focus ako sa playing + may mga Amp modellers pa ako (Amplitube 4, Bias)
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: joel_marcelo on November 19, 2016, 01:05:18 PM
Alam mo na pala gagawin mo humihingi ka pa ng advice samin. Hahahaha! Enjoy
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: Rock_on on November 19, 2016, 11:00:15 PM
Alam mo na pala gagawin mo humihingi ka pa ng advice samin. Hahahaha! Enjoy

Mmm not actually. Nung unang nagtanong ako dito gulong gulo talaga ako eh. Tsaka wala pang choices na dumadating kase di gaya ngayon. Plus, naopen yung kaisipan ko nung sinabi saken ng kaibigan kong "may next time pa naman. Pero yung gitara madalang lang. Kunin mo na" kaya yun. Shinare ko lang dito pabalik hahaha
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: tsunamic on November 21, 2016, 08:38:49 AM
Got a squier vintage modified stratocaster with fender cs 57/62 pickups for 9.5k.

sa used ka lagi maghanap.
Title: Re: New Guitar or New Parts?
Post by: frivers on November 22, 2016, 02:26:21 PM
For 6 to 12k you can easily buy an Ibanez RG's like RG321ex, ESP LTD eclipse (low end models), Squire tele or strat, Epiphone lp or sg but you just have to wait. Cheap guitars doesn't appear too often. You can also check different buy and sell groups in FB, OLX or here in philmusic.